Xian Lim, kailangan lang i-push para lumabas ang galing

ADVERTISING

Xian Lim, kailangan lang i-push para lumabas ang galing

Xian Lim, kailangan lang i-push para lumabas ang galingKung tama ang hinala ko, first time nakatanggap ng magandang papuri ni Xian Lim mula sa dating may ayaw sa kanyang pag-arte.

ADVERTISING

Kami man, aminado na hindi kami kumbinsido na marunong umarte si Xian Lim sa simula pa lang. Pero with his role sa recent hit movie nila nina Vilma Santos at Angel Locsin, napatunayan ng binata na ang pagiging aktor niya ay nandyan lang sa kaloob-looban niya na ngayon lang talaga lumabas at naipamalas niya.

Kaya after all the accolades at kaliwa’t kanang mga papuri sa acting niya, very grateful si Xi sa effort din ng mga co-stars niya, lalo na ni Direk Joyce Bernal na malaki ang naitulong sa kanya para lumabas ang nakatago nitong galing.

Pero no worry para sa mga fans at supporters ni Xian at sa tambalang Kim Chiu-Xian Lim (KimChi), dahil ipagpapatuloy pa rin ng “bagong aktor” ang paggawa niya ng project na magpu-pushsa tambalang “KimXi” like their new teleseryeng “The Story Of Us” na sa February na rin magsisimulang ipalabas sa Kapamilya Network.

ADVERTISING

“Siyempre thankful pa rin ako sa mga fans namin ni Kim. I still want to maintain the love team kahit nag-mature na ang role ko,” sabi ni Xian sa amin.

Sa ngayon, matapos ang success ng pelikula at ang magandang resulta at review sa kanya bilang artista, Xian hope to do more challenging roles para mag-level ang acting niya.

Kami man, we suggest Xian to do film projects na mas pipiga sa kanyang nakatagong galing sa pag-arte.

Comparing Xian with another actor na kaliga niya, ‘di hamak na mas p’wedeng i-develop pa si Xian as a serious actor, ‘di tulad ng tinutukoy namin na kaliga niya na napagtanto naming mga group of writers na overrated lang pala.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING