Xian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja Salvador

ADVERTISING

Xian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja SalvadorXian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja SalvadorHALOS ISANG buwan nang usap-usapan ang iringan ng dalawang ka-loveteam ni Xian Lim sa Ina, Kapatid, Anak, na sina Kim Chiu at Maja Salvador bunsod ng pagkaka-link ng huli sa ex-boyfriend nang una na si Gerald Anderson.

Nakaramdam kaya siya ng tension sa set? Paiwas niyang sagot, “Para sa akin wala, wala akong nararamdaman.”

So, hindi ba niya napansing hindi nagpapansinan sina Kim at Maja? Tugon niya, “Wala naman akong naramdaman na ganu’n, lagi kaming nagpo-post ng Instagram pictures showing that we’re happy sa set and makikita naman nila sa instagram ko ‘yun, na everyone’s just happy.”

Hmp… true ba ‘yan, Papa Xian?

 

ADVERTISING

Xian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja SalvadorSA SIARGAO nag-birthday at nag-Valentine’s day si Kris Aquino kasama ang ilang kaibigan at mga anak na sina Josh at Bimby. Pero ang kanyang ex-husband na si James Yap ay sa isang charitable institution pini-ling i-celebrate ang kaarawan ngayong araw, February 15.

Kuwento ni James, “Siyempre, masaya ‘di ba? Parang share your blessings, ‘di ba? So, kumbaga… ikaw ‘yung na-bless, so i-share mo rin.”

Nakalikom ng pondo si James para ibigay sa charity mula sa kanyang garage sale last week. At least magandang hakbang ito para naman mapalapit sa masa ang sikat na basketbolista.

 

NAGPAKA-BUSY NA talaga si Sunshine Cruz sa kanyang nakatakdang muling pagbabalik-showbiz. Last Wednesday, sa kanyang Instagram post, ipinakita nito ang litrato ng kanyang pagpirma ng kontrata sa Cathy Valencia Beauty Clinic.

Nakatakda namang simulan ni Shine ang isang teleserye sa Kapamilya Network. Ang nakakalokang balita, naghahanap na ng bahay si Shine para sa kanya at sa kanyang tatlong anak na babae. Parang ang dating, hindi pa siya handang muling makabalikan ang asawang si Cesar Montano na inakusahan niya ng pagkakaroon daw ng affair sa starlet na si Krista Miller.

Kuwento pa ni Shine sa kaibigang Pilar Mateo, “Nag-uusap na kasi, Tita, ang mga lawyers namin. Kaya hindi ko naman p’wedeng idetalye ang mga kailangan naming gawin. Siguro pagod na akong ma-stress. It’s not doing me any good.”

Dagdag pa niya, “So the best way siguro talagang humiwalay na lang muna kami ng mga bata ng bahay. Ang focus ko kasi ngayon are my kids.”

Binibiro pa nga raw nila si Shine na baka puwede pang magbago ang isip nito, or baka daw isang ‘kiss’ or ‘hug’ ang kailangang gawin ni Cesar para maging okay na ang lahat.

Pero sagot daw ni Sunshine, “This is not the first time. Alam naman nating lahat ‘yan. Hindi ko alam what will happen next. But for the now, that is what I want to do.”

Dagdag pa niya, “Nag-usap naman kami. Kaya meron na ngang mga abogado. Oo, sinuyo naman niya ako. Pero hindi naman materyal na bagay ang habol ko, Tita. Kaya ko’ng bilhin lahat ‘yun.”

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING