Xian Lim, ipamamalas ang galing sa pagho-host sa Binibining Pilipinas 2016

ADVERTISING

Xian Lim, ipamamalas ang galing sa pagho-host sa Binibining Pilipinas 2016

Xian Lim with KC Concepcion
Xian Lim with KC Concepcion

Muling ipakikita ni Xian Lim ang kanyang husay sa hosting via Binibining Pilipinas 2016 na gaganapin sa April 17, sa Araneta Coliseum at mapanonood sa ABS-CBN.
Makasasama ni Xian Lim na mag-host ang isa pang pride ng Dos na si KC Concepcion na bukod sa galing umarte, umawit, at sumayaw ay magaling ding mag-host.
Isa nga si Xian sa ginu-groom ng ABS-CBN para maging masuhay na host, kaya naman yearly ay ito ang nagiging host ng Binibining Pilipinas at ng iba pang pageant.
Maging sa mga awards night ay mabentang-mabentang host si Xian like Star Awards,kung saan sa katatapos na 32nd Star Awards for Movies ay ito ang naging host with Bella Padilla, Alex Gonzaga, at Piolo Pascual.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING