Xian Lim, ihihiwalay na kay Kim Chiu?

ADVERTISING

Xian Lim, ihihiwalay na kay Kim Chiu?

Kim Chiu And Xian Lim
Kim Chiu And Xian Lim

Parang walang kapaguran itong si Xian Lim. After his stunning performance in “MMK” the other Saturday ay nasa Singapore naman siya last weekend. Is Xian Lim a Bisaya? Swak na swak ang accent niya sa karakter na kanyang ginampanan niya.

Heto nga at walang hinto at super hyper talaga ang aktor at kasama naman niya ang “sweetheart” na si Kim Chiu na nagtungo last weekend sa Lion City para a series of shows nila na “Funtasy Date with Kim Chiu and Xian Lim”.

Noong Sabado ng gabi habang nag-uulan dito sa Pinas, naganap ang palabas sa Kallang Theater sa Singapore na ayon sa isang inside information na nakarating sa amin, puno at nag-perform ang mag-sweetheart sa isang show na puno ng “loving-loving” at pangingiliti sa supporters nila.

Marami ngang KimXi fans ang hindi nakapasok gustuhin man nilang manood sa show ng dalawa. Mahigpit kasi ang Singapore government sa kanilang policy on security na kapag nagkaaksidente during the show, baka kung ano pa ang mangyari. Kaya as word of advice, buy your tickets in advance para walang pagsisisi sa huli tulad ng mga nakaabang daw na mga fans sa labas na hindi makapasok sa show venue.

ADVERTISING

Umalis last Saturday early morning sina KimXi, kaya nga pagdating nila sa kanilang hotel, may mga fans na ang dalawa na naghihitay sa hotel lobby.

Today Monday, Xian went to Universal Studios Singapore with Migo, son of BBC News anchor Rico Hizon as part of his lakwatsa.

This month (August), loaded naman ang schedule ni Xian who will be performing overseas para sa Filipino kababayan natin.

Sa text information sa amin ni Ms. Thess Gubi PR Head of Star Magic as update sa binata: “He will also have a show abroad on Äugust 20-21 Winnipeg and Toronto (Canada). Sa pagkakaalam ko, hindi si Kim ang makakasama ni Xian sa dalawang show abroad.

“At the moment in the works pa ang new movie ni Xian for Star Cinema (heard from an insider na ayaw magpabangit ng kanyang name na Bea Alonzo and Angel Locsin will be part of the project) and a new teleserye very soon.”

Kaya ang mga fans nina KimXi ay matiyaga na nagdarasal na sa bagong teleserye ni Xian ay si Kim pa rin ang magiging kapareha niya.

The last teleserye nina KimXi ay ang “The Story of Us” na sa tipo ng kuwento ay tila medyo matured na at nag-level up ang mga character na ginampanan nila. Not the usual KimXi project na pa-tweetums kaya mas may hugot na sa mga karakter nilang dalawa.

My opinion on this, oks lang na mai-partner sina Kim at Xian sa iba. Hindi rin kasi healthy sa careers nila na sila na lang parati ang magkasama. Working with a different partner on television or sa pelikula, it helps Kim and Xian to grow pagdating sa performance nila at maging ang relasyon nila sa isa’t isa.

Teka… inamin na ba nila na sila na nga ba talag?

Pero last weekend in Singapore, namataan ang dalawa na kapag naglalakad sila goin to the show venue or sa restaurant kung saan sila kakain, palaging nakaakbay si Xian kay Kim at palagi silang nagho-holding hands. Friends pa ba ang tawag dun?

Until now, misteryo para rin sa akin kung bakit walang confirmation mula sa dalawa kung ano ba talaga sila. Sa ilang pagkakataon na naitanong namin personally kay Xian ang tungkol sa kanila ni Kim, ayaw pa ring bumitaw ng binata kung ano ang tag nila sa kanilang “special friendship”.

Siguro, epektib sa kanila ang kasabihan na what you is ‘yun na ‘yun.

Tama ba Xi?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING