Xian Lim, hindi ramdam na banned siya sa ABS-CBN

ADVERTISING

Xian Lim, hindi ramdam na banned siya sa ABS-CBN

Xian Lim, hindi ramdam na banned siya sa ABS-CBN
Xian Lim

PALABAS NA ang pelikulang Miss Granny na first movie ni Xian Lim sa Viva pagkatapos niyang pumirma ng kontrata dito. Bida ng pelikula si Sarah Geronimo at kasama rin sa movie si James Reid.

ADVERTISING

During the promo, nag-react ang fans and supporters ni Xian dahil hindi siya madalas makitang nagpo-promote ng Miss Granny sa ABS-CBN kumpara kay Sarah at James.

Sa kanyang social media account ay nagpaliwanag si Xian sa fans.

“I think my fans, my supporters, nagtatanong sila, bakit daw in a certain show, bakit daw wala ako. Nag-explain lang ako. Sabi ko, hindi ko alam, eh. Ako nga rin nagtataka, so hindi ko nga rin alam,” pahayag ni Xian nang makausap namin siya sa pocket presscon ng Viva.

ADVERTISING

Hindi na ba siya welcome sa ABS-CBN na dati niyang home studio?

“Hindi naman sa I don’t feel welcome, I’ve done a couple of guestings naman. I don’t really feel that way,” tugon niya.

Sa palagabay ba niya banned siya sa Dos?

 “To be honest, parang hindi naman. Kasi nakakapag-promote naman ako,” paglilinaw ng aktor.

Ang Miss Granny ay idinirek ni Bb. Joyce Bernal.

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING