Xian Lim, hindi-hinding bibitaw sa love team nila ni Kim Chiu

Xian Lim, hindi-hinding bibitaw sa love team nila ni Kim Chiu

Xian Lim, hindi-hinding bibitaw sa love team nila ni Kim ChiuKung walang aberya last Monday, February 8, natuloy ang appointment nina Xian Lim at Kim Chiu sa US Embassy para sa kanilang working visa.

Nakatakda kasi today, Wednesday, February 10, ang alis ng dalawa papuntang US para i-resume ang taping ng kanilang bagong teleserye sa Kapamilya Network na “The Story of Us”, kung saan malaking bahagi ng Palawan ay naging location nila sa seryeng muli nilang pagsasamahan.

Kung iisipin, ang tagal-tagal din pala noong huling napanood sina Xian Lim at Kim sa telebisyon. Ilang taon din ang lumipas noong huling nagkasama sila sa isang teleserye na pinatunayan naman  nila na (from television to the big screen) ay click na click pa rin sila sa kanilang mga fans at supporters.

Sa huling pakikipagtsikahan namin with Xi last week, he told us na hinding-hindi niya iiwanan ang love team nila ni Kim, kahit na sa mga susunod niyang mga projects after “Everything About Her” ay isang mas seryosong Xian Lim na ang mapanonood natin.

After the good reviews kay Xi sa pelikula, hopefully ay maging consistent siya with the help of Star Magic, Kapamilya Network, and Star Cinema na maisakatuparan ito.

Sa US, almost two weeks silang magte-taping. Sa bagong serye ng KimXi, Kim plays a tour guide while si Xian naman ay gagampanan ang role bilang mangingisda.

Reyted K
By RK VillaCorta