Xian Lim, hinahabol ng Internal Revenue Service ng Amerika

ADVERTISING

Xian Lim, hinahabol ng Internal Revenue Service ng Amerika

Xian-Lim

ADVERTISING

Happy si Xian Lim sa papuri ng co-star niya na si Vilma Santos sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema.

Sa kabila kasi ng kaliwa’t kanang mga atake sa binata dahil sa kakulangan nito sa galing sa pag-arte mula sa press at sa mga basher niya sa social media, pinatutunayan ni Ate Vi na isang magaling na artista si Xian. Ang karanasan ng aktres ang siyang makapagpapatunay na mali ang pag-aakala ng marami tungkol kay Xian Lim.

Hindi lahat ng artista, nagsimula na magaling. May mga pagkakataong sa early years nila sa showbiz, hindi mo sila seseryosohin. Pero as time goes by, dahan-dahan silang natututo at sa tamang pagkakataon, lalabas at lalabas ang galing ng isang artista. Marami riyan na late bloomer, ‘ika nga.

ADVERTISING

Kaya sabi ni Ate Vi, “Lahat dumadaan sa ganyan. Xian is a revelation sa movie namin,” kuwento ng aktres sa media launch ng pelikula nila nina Angel Locsin na mapanonood na sa January 27.

Kaya ang binata, high na high sa papuri ni Ate Vi. Matapos ngang marinig ang papuri ng kanyang co-star at kinuha naman ang kanyang reaction, napaluha ang binata na hindi inaakala na mabibigyan siya ng gayogn positive encouragement ng isa sa mga pinakamagaling na aktres ng industriya.

“I thank the press na pumupuna sa akin. I thank all my bashers dahil kung hindi sa kanila, hindi ako matsa-challege,” sabi ni Xi.

Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang intriga na kinahaharap ngayon ni Xian sa showbiz, may problema rin siya sa Amerika, kung saan hinahabol siya ng IRS (ang US version ng Bureau of Internal Revenue or BIR natin sa Pinas) dahil sa napakalaking tax na babayaran niya roon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING