Xian Lim, handang ipahiram ang boses sa iba pang international films pagkatapos ni Paddington

ADVERTISING

Xian Lim, handang ipahiram ang boses sa iba pang international films pagkatapos ni Paddington

Xian Lim, handang ipahiram ang boses sa iba pang international films pagkatapos ni Paddington
Xian Lim with Paddington

MULING GINAMIT ng bear na si Paddington ang boses ni Xian Lim sa international film na Paddington 2 na ipapalabas sa Pilipinas on Jan. 31.

“I was very happy that they chose me again for Paddington 2. Siyempre, it was a surprise for me, kase I didn’t expect nga na magkakaroon ng second part,” kuwento ni Xian.

“But I’m very grateful na ako yung napili nila to play the part. It just made me so proud to be part of that project.”

While the first movie delved on the establishment of Paddington’s character, the second one unveiled the plucky, duffel-coated furball’s crazy side.

ADVERTISING

“For me, I enjoyed Paddington 2 more kase there’s more skits and more jokes than the first one kase parang dun nagpapakilala si Paddington sa mga tao but sa 2nd part it’s more katatawanan na talaga, pure comedy, and yung comedy niya kase is very Filipino yung pagpapatawa niya. So, it’s a lot of fun talaga,” sabi pa ng aktor.

Ano ba ang pinakamahirap bilang voice talent base sa kanyang experience?

“I think yung pinakamahirap siguro is yung conserving your voice kase may mga parts na sinisigaw, may mga part na tumatawa, kase may mga ganun eh so parang dapat i-conserve para matapos yung buong film ng buo yung boses,” sagot niya.

Xian hopes to be able to try dubbing for other characters abroad.

Aniya, “Oo naman, doing projects abroad it’s a plus, it’s like having another feather on my cap parang ganon.”

Umaasa rin si Xian na mai-enjoy ng moviegoers ang panonood ng Paddington 2.

 “All they have to do is sit back ang enjoy the film kase it’s really a good film. Tatawa lang sila,” sey pa ng Kapamilya actor.

Directed by Paul King and distributed by Captive Cinema, bida sa Paddington sina Hugh Grant, Hugh Bonneville, Sally Hawkins and Xian Lim (voice of Paddington for Philippine release).

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING