Xian Lim, handang-handa na sa kanyang concert sa July

Xian Lim, handang-handa na sa kanyang concert sa July

Xian Lim
Xian Lim

Grabeng paghahanda na raw ang ginagawa ng singer/ host/ actor na si Xian Lim para sa kanyang nalalapit na concert na magaganap sa July 9, sa Kia Theater, entitled “A Date with Xian Lim”, kung saan ang halaga ng mga tickets ay VIP – P3,500, Orchestra A – P3,100, Orchestra B – P2,600, Lodge – P1,400, at General Admission – P800.

Dream come true nga raw para kay Xian Lim ang magkaroon ng sariling concert, lalo na’t mahilig itong umawit at saksi  rito ang pagkakaroon nito ng hit albums. “Ito po ‘yung first ever na hawak ko ‘yung buong show, ‘yung buong production.”

Dagdag pa nito, “At the same time, sobra akong kinakabahan na nabigyan ako ng opportunity na ganito, and at the same time, ito yung pangarap ko na matagal na.

“So, matagal ko na talagang pinapangarap ‘to. Sabi ko, noong nagsisimula pa lang ako rito sa industry, sana, one of these days ay mabigyan ako ng chance to be on the stage performing for people.

“Kasi iba ‘yung pakiramdam na pupunta talaga du’n ‘yung mga tao to support you, mabigyan mo sila ng magandang performance, maski sayaw pa ‘yan. Sasayaw ako du’n.

“Medyo may pagka-ballad ‘yung theme niya. Actually nandu’n pa kami sa pagpa-finalize ng songs. Guaranteed na I will be giving my best and supportive naman po riyan ang Star Records and Star Events.”

Sigurado na ba ang pagdalo ng ka-love team na si Kim Chiu? Aniya, “Hanggang ngayon, kinukulit ko pa rin siya despite her busy schedule. But for sure, nandu’n naman yata siya.”

Sana raw abangan ng kanyang mga tagahanga, dahil tutugtog siya sa isang grand piano at makasasama rin niya sa concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

John’s Point
by John Fontanilla