Xian Lim, halatang in love kay Kim Chiu!

ADVERTISING

Xian Lim, halatang in love kay Kim Chiu!

Xian Lim, halatang in love kay Kim Chiu!XIAN LIM cannot deny that he is in love with Kim Chiu. It is obvious from his body language that he is smitten by her charms. Panoorin ninyo kung paano siya makatitig kay Kim kapag sila ang magkasama sa eksena sa Ina, Kapatid, Anak.

Kim recently celebrated her 23rd birthday on ASAP, pero wala si Xian sa variety show because he had an out-of-town commitment. Pero bumawi naman ang aktor dahil siniguro niyang makakadalo siya sa birthday party ng dalaga para sa mga fans na ginanap sa Area 05 bar in Tomas Morato.

Xian Lim, halatang in love kay Kim Chiu!Sa isang interview ay inamin ni Kim that Xian gave her a pair of earrings and a promise ring for her birthday.

Dahil dito ay muling pinatunayan ni Xian ang

ADVERTISING

balitang bongga talaga siyang manligaw kay Kim. Niregaluhan ni Xian si Kim ng heart-shaped bouquet of flowers when she celebrated her birthday last year. Inamin pa ni Kim na na-touch siya kasi pagdating niya sa bahay galing ng shooting ay may puno ng rose sa bahay niya.

Kim looks happy kaya tinanong ko siya noon sa The Buzz kung sila na ba ni Xian. “’Di ko masagot iyan pero masaya ako nandiyan siya. Thankful ako na andiyan siya for me.”

In an article by Rhea Manila Santos on Push.com.ph ay sinabi raw ni Xian na masuwerte siya dahil aminado si Kim that she appreciates their friendship. “Para marinig iyan coming sa isang babae, I guess for any man they would feel very, very happy. Basta sobrang [nakakataba] ng puso. Kahit sino namang makarinig nu’n, eh. So I’m happy that she’s happy.”

He is very vocal about his admiration for Kim. Maganda raw ang kanyang intensyon sa dalaga. “Hindi naman ako nananakit ng tao. Good boy naman po ako,” paniniguro niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING