Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?!

Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?!

Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?!SIMULA NANG MA-GING hurado sa Showtime ang heartthrob na si Xian Lim, bumenta na sa madlang pipol ang ‘loveteam’ nila ni Vice Ganda. Abot hanggang sa Twitter ang harutan ng dalawa, kung saan regular na si-lang nagbabatuhan ng mga cheesy tweets.

Kahit na malinaw naman na for entertainment purposes only ang ginagawa ng dalawang artista, hindi naman mapigilan ng ilan na mag-isip na ginagamit diumano ng aktor ang sikat na komedyante. Itinanggi naman ito ni Xian at nilinaw na ang importante para sa kanila ay nakakapagpasaya sila ng mga Kapamilya viewers and fans.

Isa si Xian Lim sa igino-groom ngayon ng ABS-CBN bilang leading man at pasok pa ito sa My Binondo Girl, na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Kung ikukumpara sa dalawa pa niyang kasama na sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli, mas may edge pagda-ting sa aktingan at dating ang aktor.

 

LOVI POE, ‘IN-ASWANG’ ANG PELIKULA KAY GLAIZA DE CASTRO?

Maituturing na ‘Prinsesa ng Regal’ ang sexy actress na si Lovi Poe ngayon. Hindi pa man pinapalabas ang pelikula niyang My Neighbor’s Wife kasama sina Dennis Trillo, Carla Abellana at Jake Cuenca, busy rin ito sa shooting ng remake ng dating Jean Garcia starrer na Aswang.

From Comedy to Drama to Horror ang exposure ng ganda at alindong ni Lovi Poe, huh? Hindi tuloy mapigilan ng ilan na mag-isip na ang dalaga ni Lovi Poe talaga ang present favorite ni Mother Lily.

Gaano kaya katotoo na may hinanakit si Glaiza de Castro dahil sa kanya unang inalok ang nasabing pelikula? Lumabas pa nga sa mga pahayagan noon na puspusan na ang paghahanda ni Glaiza para sa nasabing remake.

Marami ang nagsasabi na sa Kapuso network, sina Lovi at Glaiza ngayon ang pinaka-versatile sa aktingan, kantahan at sayawan. May aswangan bang naganap? Aswangan daw, o!

 

MIKE TAN, LEVEL UP SA LEADING MAN STATUS!

Paulo Avelino’s loss is Mike Tan’s gain. Sa wakas ay binigyan na rin ng pansin ang Starstruck II Ultimate Male Survivor na si Mike Tan para maging leading man sa upcoming afternoon drama na Kung Aagawin Mo Man ang Lahat. Ito ay pinagbibidahan nina Carla Abellana at Michelle Madrigal, kung saan pag-aagawan nila sa kwento ang pag-ibig ng karakter ni Mike Tan.

Kay Paulo Avelino unang inalok ang papel, pero mas pinili nitong makipagsapalaran sa bakuran ng Dos. Matagal-tagal na rin ang hinintay ni Mike Tan para ma-bigyan siya ng proyekto kung saan niya maipapamalas ang kanyang acting prowess in an elevated status.

Kumpara sa mga prinsipe ng Starstruck ay tila si Mike Tan na ang nahuli. Sa pagkakataon kayang ito ay seryosohin na siya ng Kapuso Network at i-groom na bilang next important leading man ng Siyete?
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service