Xian Lim, feel na feel bilang ‘Mr. Right’ ni Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, feel na feel bilang ‘Mr. Right’ ni Kim Chiu

Xian-LimSOSYALIN ANG image ni Xian Lim but we realized that he is just a simple guy.

“Hindi ako masyadong trendy. Mukha lang, mukha lang akong sosyal. Hindi ako masyadong brand conscious,” he declared during a pictorial break para sa ini-endorse niyang GIBI Shoes.

“Sa sapatos hindi ako masyadong nag-i-splurge. Dati nangongolekta ako sa States ng Jordan,” chika pa ng hunk actor.

“I think karamihan alam ‘yon na mas after ako sa comfort. Mahilig akong mag-short, T-shirt lang, ‘yung comfortable lang,” say niya.

ADVERTISING

Usap-usapan sa social media ang very sweet birthday message niya kay Kim Chiu recently.

“‘Yung last message ko sa kanya 2011 pa. Actually  ‘yung message ko nga sa kanya nu’ng 2011 ay hindi nga siya… papasikat pa lang ang Instagram noong 2011. Ang daming parang… siyempre nandiyan naman ang sumusuporta. Pero siyempre at the same time balik na naman sa issue na gimik na naman daw. Actually 2011 ang kino-consider ko na nakapasok ako sa industriya kasi naglalakad-lakad lang naman ako dati sa likod (ng camera).

“Nagsulat ako ng… sinulat ko sa papel at piniktyuran ko at sinabi ko na I’m very thankful sa mga nangyari. Birthday niya noon.

“Nakatutuwa naman kasing isipin, before ang dami naming pinagdaanan. Hindi naman namin akalain na magiging love team kami. Hindi ko in-expect na lalaki ang love team namin at parang aabot sa ibang bansa ang mga shows namin. Hindi ba ngayon usung-uso na ang social media at ready na silang (fans)… hindi naman makipag-away pero to defend us.”

As to Kim’s statement na nakikita siya ng dalaga bilang Mr. Right, Xian said, “Nakatutuwa. Ang ipinapakita ko naman sa kanya ay totoong ako. Pangit naman kasi na may mga sugarcoating. Kumbaga ang ipinapakita ko sa kanya ay kung ano talaga ko, parang ganoon. Nakatutuwa na noong tinanong siya sinabi niyang baka nga ako si Mr. Right. Siyempre nakaha-happy naman. Feeling ko naman, kung nasasabi niya ‘yon na parang ako si Mr. Right, parang feel na feel ko naman ‘yon.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING