Xian Lim, extra effort sa panunuyo kay Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, extra effort sa panunuyo kay Kim Chiu

Xian Lim, extra effort sa panunuyo kay Kim ChiuNAKAAALIW NAMAN itong si Xian Lim when he asked Kim Chiu to be his date at the Star Magic Ball na ginanap sa Fairmont Hotel in Makati City. Hindi kaila sa publiko that he is very vocal about his admiration for Kim pero maparaan din pala siya in showing the actress that she is special to him. ‘Ika nga, Xian always goes the extra mile to show how much he cares for the young actress.

ADVERTISING

Kuwento ni Kim sa isang episode ng Kris TV, pumunta raw sa bahay nila ang binata isang gabi bago ang inaabangang Star Magic Ball and held up a handmade sign na may nakasulat na, “Will you be my date?”

Xian Lim, extra effort sa panunuyo kay Kim Chiu“[Pumunta siya sa bahay ko] ng gabi, the day before the ball. Tapos may mga pakulo siyang mga ganyan. [Sabi niya] ‘Uy, labas ka.’ May ibibigay daw siya sa akin.” Ipinost ni Kim sa Instagram ang litrato ni Xian na hawak ang sign.

Hindi naman nauwi sa wala ang effort ni Xian because they were hailed as the Most Fabulous Pair during the ball.

ADVERTISING

Para sa kanilang mga fans, hindi na bago ang ganitong klase ng eksena sa pagitan ng kanilang mga idolo. Kim and Xian previously admitted that they are exclusively seeing each other. Kaya naman ganito na lang kabongga ang mga inihahanda nilang sorpresa sa isa’t isa. Didn’t Xian give Kim a pair of earrings and a promise ring during her 23rd birthday? Samantalang nag-organize naman ang dalaga ng isang surprise birthday party para kay Xian noong ito naman ang nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Mukhang ang matamis na ‘oo’ na lang ni Kim ang hinihintay ni Xian para tuluyan nang makumpleto ang kanilang totohanang love story… kung hindi pa nga totoong sila na talaga.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING