Xian Lim, excited nang makatrabaho sina Vilma Santos at Angel Locsin

ADVERTISING

Xian Lim, excited nang makatrabaho sina Vilma Santos at Angel Locsin

Xian-LimMASAYANG-MASAYA ANG Star Magic artist na si Xian Lim dahil pasok siya sa pelikulang pagsasamahan sa kauna-unahang pagkakataon nina Star For All Seasons Vilma Santos at Angel Locsin na ididirek ni Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

Present si Xian sa ginanap na story conference nu’ng March 19 para sa pelikula na dinaluhan din siyempre nina Angel at Gov. Vi. Halatang starstruck si Xian nang makita si Vilma. Sobrang na-amaze din siya sa ganda ni Angel na first time din niyang makakatrabaho.

“I’m very excited to be working with them. I’m sure, marami na naman akong bagong matututunan sa kanila,” sey pa ng binata.

Ayon naman kay Direk Joyce, the movie will be about relationships made and broken. Light drama raw ito.

ADVERTISING

As for the characters, Ate Vi described her role as “mayaman, mayabang and authoritative.” Si Xian naman ang gaganap na kanyang anak.

One of the things that the three stars are excited about is how their characters with strong personalities would “clash”.

Kung magiging love interest ba ni Xian si Angel sa pelikula ay hindi pa alam.

“Malalaman natin ’yan sa pag-evolve ng mga characters namin,” sabi pa ni Xian.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING