Xian Lim, ‘di nanghinayang sa pagkakatanggal sa bagong serye

Xian Lim, ‘di nanghinayang sa pagkakatanggal sa bagong serye

Xian-LimNAG-ISYU NG official statement ang ABS-CBN tungkol sa pagkakatanggal ni Xian Lim sa bagong TV series ng ABS-CBN na Bridges of Love. Ito ang nilalaman ng ipinadalang text ni Mico del Rosario:

“Dahil sa hiling ng kanilang napakaraming tagahanga, muling itatampok ng ABS-CBN at Star Creatives ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa isang primetime teleserye na mapapanood ngayong taon.

“Dahil dito, hindi na magiging bahagi si Xian ng seryeng Bridges of Love kasama sina Jericho Rosales at Maja Salvador. Ang papel na Carlos Antonio ay gagampanan na ni Paulo Avelino.”

Ayan ha? Malinaw na. Hindi na dapat mag-react ang KimXi fanatics dahil may naka-line-up na project naman pala sa kanilang idolo ang ABS-CBN. At least, after Past Tense, magsasama ulit sina Kim at Xian, huh!

Wala pang ibinigay na detalye sa amin ang ABS-CBN at si Mico kung ano ang magiging title ng bagong show nina Kim at Xian at kung sinu-sino ang makakasama nila dito.

With regards sa pagkakatsugi ni Xian sa Bridges of Love, siguradong hindi naman niya ito masyadong pinanghihinayangan kasi may naging kapalit naman agad. Ang alam namin na medyo nanghihinayang kay Xian ay si Maja Salvador na nakatrabaho na ng aktor sa isang series ng ABS-CBN titled Ina, Kapatid, Anak produced by Dreamscape Entertainment.

La Boka
by Leo Bukas