Xian Lim, defensive sa role na playboy

Xian-LimSIMULA NA ulit ng pagbubunyi ng fans nina Kim Chiu at Xian Lim also known as KimXi dahil ipalalabas na ang bagong movie nila titled Must Date The Playboy simula August 31. Mapanonood ito ng lahat ng ABS-CBN mobile subscriber. The movie is under the direction of Mae Cruz-Aviar at kasama rin nila rito si Jessy Mendiola.

Bukod sa Must Date The Playboy, ginagawa rin ngayon ni Xian ang isa pag pelikula with Gov. Vilma Santos and Angel Locsin. Si Kim naman ay part ng Etiquette for Mistresses na pinagbibidahan din nina Iza Calzado, Claudine Barretto, and Kris Aquino na ipalalabas na sa September.

Meron ding gagawing TV series ang dalawa na sa Palawan pa kukunan ang karamihan sa mga eksena.

Kung dati ay medyo natengga si Xian, ngayon ay ratsada naman siya sa dami ng projects. Bongga!

Paano naman kaya siya naka-relate sa role niya bilang playboy sa Must Date The Playboy?

“Medyo mahirap nga po, eh. Hahaha! Sa movie lang ako playboy, pero sa totoong buhay, hindi naman talaga ako playboy,” depensa agad niya.

“It’s just a role. Ang ginawa ko, pinag-aralan ko lang ‘yung karakter ko and that’s it,” paliwanag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleDerek Ramsay, hinding-hindi raw mauuwi sa sex ang muling pagtatagpo sa mga ex-GF
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 104 August 26 – 27, 2015

No posts to display