Xian Lim, deadma sa umaayaw sa kanya bilang Captain Barbell

ADVERTISING

Xian Lim, deadma sa umaayaw sa kanya bilang Captain Barbell

Xian-LimNAKAUSAP NAMIN kamakailan si Xian Lim sa studio ng I-Shine ng Promil, kung saan agad naming tinanong kung totoo ba na siya ang gagawa ng remake ng Captain Barbell na isa sa likha ni Mars Ravelo.

ADVERTISING

Ayon sa aktor ay wala pang sinasabi sa kanya ang management ng ABS, pero kung saka-sakaling matuloy ito ay tatanggapin niya nang buong puso lalo’t gusto niyang gampanan ang nasabing karakter.

Kung marami ang natutuwa ay may ilan ding nagbibigay ng kanilang negatibong reaksyon na hindi raw bagay kay Xian ang nasabing role.

‘Di naman ito pinapansin ng aktor dahil para sa kanya ay alam niyang ‘di niya mapi-please ang lahat at laging may masasabi ang ibang tao sa kahit na sino.

ADVERTISING

Kumpirmado na isang serye ang pagtatambalan nila ni Jessy Mendiola, balita rin na niluluto na ang pelikulang pagtatambalan nila muli ng kaparehang si Kim Chiu na tiyak na inaabanagan na ng kanilang mga tagahanga.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING