Xian Lim, ayaw raw isipin pero umaasang mapansin ng award-giving bodies ang pagganap sa “Everything About Her”

Xian Lim, ayaw raw isipin pero umaasang mapansin ng award-giving bodies ang pagganap sa "Everything About Her"Happy si Xian Lim ng nakakuwentuhan namin sa Gabi ng Parangal ng Philippine Movie Press Club para sa ika-32 Star Awards For Movies na ginanap sa Resorts World Manila, Linngo ng gabi, March 6, kung saan nagsilbi itong host with Piolo Pascual, Bella Padilla, Robi Domingo, at Kim Chiu.
Biniro nga namin ito at ng ilang kapatid sa panulat na malaki ang tsansa na by next  year, sa lahat ng award-giving bodies sa bansa including PMPC Star Awards For Movies ay ma-nominate ito para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema.
Tsika nga ni Xian Lim, “Salamat po. Ayoko pong isipin ‘yan. Pero sana po, sino naman ang ayaw ma-nominate, ‘di ba?
“Pero sa akin kasi, ‘yung mga positibong feedbacks na nakararating sa akin galing sa mga taong nakapanood ng ‘Everything About Her’ sa acting ko, sapat na sa akin ‘yun.
“Kaya sobrang bonus na sa akin if mano-nominate pa ako sa movie namin, at sobra-sobrang bonus na kapag nanalo pa ako. Hahaha!” Pabiro pero seryosong pahayag ni Xian.
Masaya rin daw ito dahil muli na naman silang nagsama at nagbida ng kanyang ka-love team na si Kim Chiu sa ABS-CBN teleserye na “The Story Of Us”, kung saan kakaiba at matured na Xian Lim ang mapanonood dito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBea Binene, awat muna sa pagbo-boyfriend
Next articleJC De Vera, narasanang magdusa sa pagiging recording artist

No posts to display