Xian Lim at Louise delos Reyes, magtatambal sa ‘Baka Hanggang Dito na Lang’

ADVERTISING

Xian Lim at Louise delos Reyes, magtatambal sa 'Baka Hanggang Dito na Lang'
Xian Lim and Louise delos Reyes

ADVERTISING

ISANG bagong tambalan ang mapapanood this coming February 6 na tila sakto as pre-Valentine movie.

Sino ang mag-aakala na ang chinito leading man na si Xian Lim at ex-Kapuso favorite turned Kapamilya supporting actress na si Louise delos Reyes ay napag-isipang pagsamahin sa isang pelikulang romance ang tema?

ADVERTISING

Ang ‘Baka Hanggang Dito na Lang‘ ay mula sa direksyon ni Bona Fajardo (I Found My Heart in Sta. Fe and Kung Ayaw Mo Na), na laging travel-related ang mga pelikula. This time ay sa Saga Prefecture ng Japan naman ang location ng bago niyang obra.

Sa inilabas na teaser trailer ay tila nagpapalitan ng mga corny jokes na may relate sa bansang Japan ang batuhan ng linya ng characters nina Xian at Louise. Wala pa kaming ideya sa totoong kuwento ng pelikula, pero feeling naman ay tungkol ito sa chance encounter na dapat tapusin agad.

Surely, mashoshowcase ang ganda ng parte ng Japan na hindi masyadong nakikita sa TV, pelikula o kahit sa mga online vlogs. Magagawa kayang paramihin ng pelikula ang number ng Pinoy tourists na pupunta sa Saga tulad nang pagpapasikat ng surprise hit Kita Kita sa Sapporo? Malalaman natin ‘yan sa February!

ADVERTISING