Xian Lim at Kim Chiu sweet-sweetan sa kanilang Boracay getaway

2020 is a busy and productive year for real-life sweethearts Xian Lim and Kim Chiu. Maliban sa kanilang reunion teleserye na ‘Love Thy Woman’ na nagkaroon ng lock-in taping, kani-kanyang movie & digital series projects, naging busy din ang dalawa sa kanilang very active YouTube channels na talaga naman kinagigiliwan ang kanilang mga uploads.

Xian Lim at Kim Chiu sweet-sweetan sa kanilang Boracay getaway
Xian Lim and Kim Chiu in Boracay

Deserve ng dalawa na magbakasyon sa magandang lugar bilang gift na rin nila sa kanilang sarili. Nagparanas na ng summer vibes and love-love lang ang magdyowa nang magpost na sila ng kanilang Boracay pictures after Christmas. Ayon pa kay Kim Chiu, ito ang kauna-unahang plane ride niya after 11 months ng pananatili lamang sa Luzon dulot ng pandemya. Tsaka hello, bawal lumabas basta-basta!

Kasama ng KimXi ang pamilya ng dalaga na naging katuwang niya sa challenging times this year. Hindi naging madali emotionally ang mga pinagdaanan ni Kim. Hindi naman sikreto na maganda ang relasyon ni Xian Lim sa pamilya ng kanyang girlfriend kahit pa mula nang sila ay maging opisyal na magkasintahan noong 2012.

“Appreciation post for this guy right here!” sinulat ni Kim sa isang IG post. “Thank you for making this trip possible, plus thank you for keeping up with the CHIUs!!!! Kahit isang barangay kami. Haha. You know how much this means to me—seeing my fam happy! You’re the best mister. Thank you!”

Ang sarap mainlab at magbakasyon, noh? Mapapa-sana all ka na lang talaga!

Noong December 14 ay ipinalabas na sa IWantTFC ang ‘Bawal Lumabas: The Series’ na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Regular din na napapanood ang dalaga sa It’s Showtime at ASAP.

Si Xian Lim naman ay nakatakdang mag-host ng bagong game show na ‘100 Heartbeat’. Bago pa nabuntis at nanganak si Ryza Cenon ay naumpisahan na nila ang shooting ng historical romance film na ‘Sa Muli’ at nagshoot din ito ng isang Viva-produced project sa Pangasinan with Marco Gumabao and Kylie Verzosa.

Whew! Mukhang mabubusog pa rin ang fans ng dalawa sa pagpasok ng 2021, huh! Ang kasalan kaya, kelan?