Xian Lim at Kim Chiu, nag-enjoy sa yate noong Valentine’s Day!

ADVERTISING

Xian Lim at Kim Chiu, nag-enjoy sa yate noong Valentine’s Day!Xian Lim at Kim Chiu, nag-enjoy sa yate noong Valentine’s Day!IT WAS my first time to talk to Xian Lim. Sa backstage ng Zirkoh along Tomas Morato last Saturday, special guest siya sa show na produced nina Roldan Castro, Maricris Valdez at Vinia Vivar for Jose Manalo at Wally Bayola.

Cool lang siya. Pangiti-ngiti habang panaka-naka ay may mga nang-aabala na magpakuha ng picture sa kanya.

Malakas ang appeal ni Xian up close. Lalo na ang mga ngiti niya in between his answers sa mga question namin.

We’ve learned that he plays the piano. Her mom was her first music teacher when he was in middle school (1st-2nd year high school) when they still live in the USA. From piano, he learned to play the guitar at isang wind instrument.

He reads the musical note (na alam mo aral siya ng music formally). Hindi lang widow na sa lenguwaheng musika kinakapa lang ang tono ng piyesa para makatugtog.

ADVERTISING

Naikuwento ni Xian na he enjoyed his date with Kim Chui last Valentine’s Day. Kasama ni Xian ang pamilya ni Kim.

Nang tanungin ng isang press kung magkano ang nagastos niya sa yatch date nila ni Kim (while Gerald and Maja Salvador naman ay nag-date ng Tagaytay via a chopper); ngumiti lang siya. As a true gentleman, he prefers to keep mum regarding money matters.

Sa mga Kim-Xian fans, watch out for their first solo movie na ididirek ni Bb. Joyce Bernal very soon.

 

Xian Lim at Kim Chiu, nag-enjoy sa yate noong Valentine’s Day!MASUSUBUKAN ANG tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa unang pagkakataon via the movie Must Be Love ng Star Cinema na ipalalabas sa march 13.

From television, magko-cross over ang dalawa sa isang teeny booper movie kung saan masusubukan kung gaano kalakas ang hatak ng dalawa at ng kanilang mga tagahanga para suportahan sila sa box-office.

Sabi nga, iba ang telebisyon. Marami man ang fans at manonood ng Princess and I na kamakailan lang ay natapos sa free TV, ang pelikula iba.

Not all television stars make it to the movies meaning iba ang artista sa pelikula kaysa sa telebisyon.

Pero mukhang iba si Daniel. Iba ang karisma niya sa fans. From television, naging instant recording star ang binata ni Karla Estrada. Record breaking ang sales ng album niya.

Is it true na magko-concert si Daniel sa Araneta Coliseum come March? Hindi kaya masyadong maaga para sugalan niya ang kanyang umuusbong na career? Is it a wise move?

Sa ganang amin, it’s not the right time. Sayang ‘pag sumablay ‘pag nagkataon.

 

SA PAGPAPALIT ng Twitter at Instagram account ID ni Sunshine Cruz, patunay lang na mukhang hiwalay na nga ang mag-asawang Sunshine at Cesar Montano dahil sa starlet na si Krista Miller.

Sa pagkakaalam ko, tuloy ang proseso ng legal separation (or annulment) na tinatrabaho ng lawyer ni Sunshine.

Sa proseso ng legal na paghihiwalay ng dalawa, naghahanap na rin si Sunshine ng matitirahan kung saan makakasama niya ang tatlong anak nilang dalagita ni Cesar.

 

KALOKA SI Baron Geisler. Umeksena na naman dahil sa kalasingan kamakailan sa taping ng action-serye ni Derek Ramsay, kung saan at that time ay wala naman siyang schedule (kung saan isa siya sa mga co-star sa serye).

Napagtripan ni Baron ang kaibigan ni Derek na kasa-kasama ng aktor sa set.

Ngayon, will you still accept Baron’s apology kung sakaling aminin na naman niya na may chemical imbalance siya kaya niya nagawa ang panggugulo?

 

SPLIT NA ba sina Ai-Ai delas Alas at ang sinasabing husband to be niya na basketbolista at car sales agent?

We’ve heard na made-delay ang sinasabing kasal ni Ai-Ai sa kanyang guwapong BF.

Is it true na may angulong “Gamitin Mo Ako!” na dahilan ng split-up dahil mula nang maging sila ng boyfriend niya, ang daming naibentang kotse ang supposed to be “boyfriend-mister” niya?

Nagtatanong lang kaya huwag ma-react!

Kung kami ang tatanungin, oks sa amin na wala nang kasalan at i-enjoy na lang ni Ai-Ai ang buhay niya ngayon na in love sa taong mahal niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING