Xian Lim at Kim Chiu, may daring shower scene sa mobile series

Xian Lim at Kim Chiu, may daring shower scene sa mobile series

Kim-Chiu-Xian-LimMAY CONTROVERSIAL at maituturing na most daring scene si Xian Lim at ang ka-love team niyang si Kim Chiu sa ABS-CBN mobile series na Must Date The Playboy. Ito ay ang kanilang shower scene na first time din nilang ginawa.

“Nahiya nga ako kasi hindi ako nasabihan. Hindi ako aware na may ganu’ng eksena. Pero maganda naman siyang lumabas. Hindi kasi nila sinabi na may ganu’ng eksena,” kuwento ni Xian.

“Promise, wala silang sinabi kasi maybe ‘pag sinabi nila, parang two days before baka nagsabi na ako na puwede bang may robe na lang ako or sando na lang. Pero dahil biglaan at si Direk Mae pa ang nagsabi na ‘tanggalin mo na ’yan,’ so, sabi ko, ‘okey, okey po.’

“Nanggaling kasi ‘yon sa pagkatapos ng Garage pictorial ko no’n. That was the next day. Hindi nga namin alam na para sa first episode ‘yon, eh. Ang lamig no’n,” dagdag pa niya.

Nu’ng August 31 nagsimulang mapanood sa ABS-CBN mobile ang Must Date The Playboy na si Mae Cruz-Aviar ang nagdirek. Ito ang kauna-unahang mobile series ng ABS-CBN at ayon kay Kim, ang purpose ng mobile series ay para mas maabot ang lahat ng klase ng tao whether nasa bahay sila or mga moviegoers sila.

Ang susunod na episode ng Must Date The Playboy ay mapapanood naman simula ngayong Lunes, September 7, sa ABS-CBN mobile.

La Boka
by Leo Bukas