Xian Lim at Glaiza de Castro bibida sa ‘False Positive’

DAHIL sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado, nagdesisyon muna ang GMA-7 na ihinto ang taping ng supposed first project ni Xian Lim sa Kapuso network. Firm sila sa kanilang desisyon na hindi palitan si Jennylyn at hintayin na lang na manganak ito at maging handa sa pagbabalik-showbiz.

Xian Lim at Glaiza de Castro bibida sa 'False Positive'
Xian Lim at Glaiza de Castro

S’yempre, marami ang apektado. Maliban kay Xian Lim, ang ibang cast members ay binigyan muna ng ibang show na pagkakaabalahan katulad ni Mike Tan, na sa huling silip namin sa kanyang Instagram account at pasok na sa teleserye nina Rhian Ramos at Kris Bernal.

For Xian Lim, isang bagong mini-series ang ibinigay sa kanya ng GMA. For the first time ay makakapareha niya ang versatile actress na si Glaiza de Castro, na hot na hot pa mula sa success ng kanyang trending afternoon series na Nagbabagang Luha.

Straight from her European trip ay isinalang na agad sa quarantine si Glaiza para maumpisahan na ang taping ng bagong proyekto nila ni Xian Lim na may titulong ‘False Positive’. Ito ay mula rin sa direksyon ng ‘Love. Die. Repeat’ director na si Irene Villamor.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip na ng new Kapuso leading man ang kanyang bagong look para sa programa. Asahan na natin na soon ay maglalabas ito ng vlog tungkol sa kanyang proyekto.

Bakit kaya ‘False Positive’ ang titulo ng mini series na ito? Any guesses?