Xian Lim, ang arte!

ADVERTISING

Xian Lim, ang arte!

Xian Lim, ang arte!

NAKAKALOKA ITONG si Xian Lim, wala pa man masyadong napapatunayan ay sobrang suplado na sa media. Sa launch ng isang clothing line noong Martes, parang naging very confident na sa kanyang kasikatan itong si Xian.

Imagine, nagkukumahog ang media na na-kiusap sa kanya na ma-interview pero lagi nitong itinuturo ang isang kasamahan niya na parang ang gusto niyang palabasin ay magpaalam muna. Isang kasamahan namin ang ipinakita pa ang microphone box ng istasyong kanyang kinabibila-ngan para sana makapagtanong man lang ng at least 3, questions pero deadma itong si Xian.

Dyusko, ibang-iba talaga ang mga tunay na sikat na sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson at Piolo Pascual dahil kahit may mga handlers na kasama, sila na mismo ang nagpapaunlak ng kahit maiksing interview sa amin.

ADVERTISING

Ay, naku, ‘dong, maraming ipinanga-nganak na artista araw-araw, don’t be too confident of the fame you are enjoying now!

 

ANO RAW? Naloka naman kami sa tsismis na isang transgender daw ang nagki-claim na naging sila o may nakaraan sila ng Starstruck alumni na si Martin Escudero.

Nakakuwentuhan namin ang Kapatid Star na si Martin sa presscon ng kanyang bagong teleserye. Ayon sa kanya, nagulat na lang siya nang may nagsabi sa kanya na may isa nga raw transgender na kasali ba o nag-audition lang sa isang artista search din ng ibang istasyon.

Kuwento pa niya, “Nabigla nga ako sa gano’ng balita, tapos ‘di na lang ako kumibo, kasi wala naman talagang katotohanan. Ang sa akin lang, sana hindi na niya ituloy ang pagdawit sa aking pangalan.”

Dagdag pa niya, “Siguro lahat naman ng mga lalaking artista ay inili-link o minsan ay itsini-tsismis talaga na may mga karelasyong gay.”

Pero deadma na si Martin sa kung anuman ang tsismis na ipinagkalat ng transgender. Hay naku, nakakaloka ka, ‘day, kung sino ka man!

 

HINDI NAMIN kinaya ang mga jokes ni Alex Gonzaga noong nakausap namin siya sa presscon pa rin ng bagong teleserye, kung saan isa siya sa mga bida.

Inungkat kasi namin sa kanya na medyo bu-maba ang ranking niya sa FHM 100 Most Sexiest, dahil last year nasa pang 91 siyang puwesto pero sa taong ito ay pang number 98 na siya.

Xian Lim, ang arte!

Patawang sagot ni Alex, “Nananawagan po ako ng recount. Kasi bakit ganun kalayo ang naging rank ko, from 91 to 98,” sabay pakawala ng halakhak.

So ano ba ang gusto niyang rank? Sabi niya, sabay joke pa rin, “Kahit pang 97 man lang, hahaha!” At biglang naisip naman niyang bawiin na lang daw niya ang kanyang panawagan dahil, “Baka pag nag-recount imbes na tumaas, lalo pang bumaba. Baka malaglag pa ako sa ika-sandaan o tuluyang mawala sa listahan. Huwag na nga lang mag-recount.”

Hay naku, Alex, ibang klaseng komedyante ka talaga. Lagi mo kaming pinapatawa kahit sa mga seryosong usapan. Ikaw na!

 

ISANG ARAW, may nag-text sa amin na ang gamit na numero ay hindi naka-register sa aming telepono. Nang binasa namin ang mensahe ay si Mickey Ablan pala ang nag-text sa amin at ipinaalam lang niya na ‘yun na ang bagong numerong ginagamit niya. Kinumusta muna namin si Mickey at okay naman daw siya.

Sa tanong namin, kung ano ang masasabi niya na may nangyaring ‘overlapping’ sa relasyon nila noon ni Iwa Moto, na kung susumahin sa mga pahayag ni Iwa ay nagkaroon ng relasyon itong si Mickey kay Jodi Sta. Maria habang sila pa at itong si Jodi naman ay sila pa rin ni Pampi Lacson noon na boyfriend naman ni Iwa sa ngayon. (Ay ang gulo, parang kabit-kabit na pasakit ba o pagmamahalan, Ed.?)

Sagot ni Mickey sa amin, “Smile na lang tayo diyan.”

Kaya naman ang sagot ko ay ‘like ko ‘yan, friend’. Salamat Mickey sa tiwala!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING