Xian Lim, aminadong sumikat siya dahil kay Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, aminadong sumikat siya dahil kay Kim Chiu

Kim-Chu-Xian-LimNASA MOOD yata si Xian Lim nang minsan ma-interview siya ni Kuya Boy Abunda. Cool na cool ang kanyang mga sagot sa mga katanungan ng King of Talk Show. Hindi siya apektado sa mga intrigang ikinakabit sa kanya. Hindi rin niya pinapansin ang mga banat ng social media tungkol sa gender niya at pagiging mayabang nito. Ayaw magpaapekto ng binata, hindi raw makatutulong sa kanyang career kung pag-uukulan niya ito ng pansin.

ADVERTISING

Kahit anong paninira laban kay Xian, walang epekto ito sa kasikatang kinalalagyan ngayon ng binata. Alam kasi ng actor/singer na sikat siya at ka-level na niya sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual dahil lahat ng pelikula niya with Kim Chiu ay kumita sa takilya.

Kung sinasabing may attitude problem si Xian, nagkakataon daw na kung minsan wala siya sa mood. Tao lang daw siyang nagkakamali. Pero hindi ibig sabihin, ganu’n siya sa totoong buhay. Of course, malaki ang pagbabago compared nu’ng araw na nagsisimula pa lamang siya. Ganu’n naman ang tao, nagbabago for the better. ‘Yan kaya si Xian Lim?

Alam ni Xian na malaking factor si Kim kaya siya sumikat dahil na rin sa kanilang tandem na sinuportahan ng mga fans ng actress. Hindi siya magiging Xian Lim kung wala ang mga ito. Kahit bano pang umarte ang binata, hindi nagiging hadlang para maging box-office ang movie nila ni Kim.

ADVERTISING

Tanggap naman ng actor/singer na kailangan pa niyang i-improve ang kanyang acting. Hindi habang panahong nakakabit si Xian sa palda ni Kim Chiu. Ngayon palang ay paghandaan na niya ito. Oo nga naman…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING