Xian Lim, aminadong nasasaktan sa mga pamba-bash

ADVERTISING

Xian Lim, aminadong nasasaktan sa mga pamba-bash

Xian-LimAMINADO SI Xian Lim na kahit papaano ay nasasaktan pa rin siya sa mga negatibong reaksyon patungkol sa kanya na nababasa niya sa social media.

ADVERTISING

“Mahilig din akong magbasa, I like to read. Pumasok ako rito (showbiz), pinasok ko ito just to show my craft and to make people happy kaya nga tuwang-tuwa ako sa mga mall shows… and para makabasa ng ganun, parang nakabababa ng self worth. But it’s given na, eh. Given na po ‘yon, eh. Wala na tayong magagawa ro’n.”

Ang maganda kay Xian, kahit kailan daw ay hindi niya pinatulan ang kanyang bashers dahil nirerespeto pa rin daw niya ang opinion ng mga ito.

“This is a free country. Malaya silang sabihin ang gusto nila,” sey pa niya.

ADVERTISING

Magiging abala si Xian sa mga darating na araw para sa syuting ng pelikula na pagsasamahan nila nina Angel Locsin at Vilma Santos sa kauna-unahang pagkakataon under Star Cinema. Muli rin niyang makatatrabaho si Kim sa nilulutong romcom ng Star Creatives na maaaring ipalabas bago matapos ang taon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING