Xavier Cruz, babalikan ang pagkanta

Xavier Cruz
Xavier Cruz

Hindi naman daw tuluyang iniwan ni Xavier Cruz ang pagkanta ngayong tinutulungan na niya ang kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Ayon nga kay Xavier nang makausap namin sa opening at blessing ng apat na upgraded public market (Sta. Ana, Trabajo, Sampaloc, at San Andres) last April 19, “‘Di ko naman po tuluyang iniwan ang pagkanta, kasi kumakanta pa rin ako sa church namin. Tapos minsan ‘pag may mga event kami, kumakanta ako.
“Siguro lang ngayon, tutulong muna ako sa negosyo ng pamilya. Pero ‘pag nagkaroon ng time, babalikan ko rin ang pagkanta.”
Sa ngayon daw, naka-focus si Xavier sa pagtulong sa pagpapatakbo sa kanilang lumalagong negosyo.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRegine Velasquez, bumuwelta sa Duterte fans na kumuyog sa kanya sa social media
Next articleBb. Pilipinas Universe Maxine Medina, naging lucky charm ang regalong bracelet ni Marlo Mortel

No posts to display