X3M, hindi lang daw good looks ang puhunan sa showbiz, kundi maging ang galing sa hatawan

X3M, hindi lang daw good looks ang puhunan sa showbiz, kundi maging ang galing sa hatawan

X3M
X3M

Isa sa aabangan at magpapakita ng kanilang galing sa paghataw sa dance floor ang guwapings na grupong X3M na binbuo nina Vellmore Ebarle, 16 years old at leader ng grupo; Ericson Suratos, 16; Juancho Ponce, 16; Zoren Jickain, 16; at Maron Alvez, 16 sa darating na May 28, 4 p.m. sa Starmall Las Piñas para sa P-Pop Boy Groups On Tour.

Barely 2 months pa lang since nabuo ang X3M mula sa pagiging magkaibigan sa iisang eskuwelahan kung saan nagdesisyon silang magsama-sama para mag-perform sa school at nang tumagal ay sa iba’t ibang malls na.

At dahil nga sa angking kaguwapuhan at galing sumayaw ay nagsunud-sunod na ang kanilang shows.

Pero ayon sa grupo, hindi lang good looks ang kanilang bentahe kung hindi ang husay nila pagdating sa pagsayaw sa dance floor na mapanonood daw sa May 28.

John’s Point
by John Fontanilla