X3M at Generation 6, muling hahataw sa P-Pop Boy Groups on Tour 2

ADVERTISING

X3M at Generation 6, muling hahataw sa P-Pop Boy Groups on Tour 2

X3M
X3M
Generation 6
Generation 6

Dalawa sa mga grupong dapat pakaabangan sa P-Pop Boy Groups On Tour na magaganap sa June 11, 4 p.m. sa Starmall Edsa-Shaw ang up and coming dance group na X3M at Generation 6.
Ang X3M ay binubuo nina Velmore, Juancho, Zoren, Maron, at Ericsson; habang ang Generation 6 naman ay binubuo nina JB, Moja, Mark, Mico, Kevin Andrew, at Carl.
Ang husay nga raw sa hatawan sa dance floor at magkaibang istilo at uniqueness ang ipakikita ng X3M at Generation 6 na parehong may kanya-kanyang hukbo ng tagahanga.
Kaya naman daw makihataw na sa X3M at Generation 6 sa June 11, kasama pa ang ibang mga P-Pop boy groups na kasali.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING