X Factors Stars, magsasama-sama sa isang concert

ADVERTISING

X Factors Stars, magsasama-sama sa isang concert

X-Factor-StarsMagsasama-sama ang mga mahuhusay na singers na pare-parehong galing sa X Factor sa isang konsyerto na magaganap sa August 24, 9 p.m. sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City entitled “Voices The Concert Featuring The Stars of X Factor”.
Ito’y pangungunahan ng X Factor USA Finalist at 2nd Runner-Up sa katatapos na Discovery Pop Music Festival na ginanap sa Bulgaria na si Angel Bonilla at ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose ‘Osang’ Fostanes.
Habang magiging espesyal na panauhin ang X Factor Philippines Semi-Finalist at 1st Runner-Up sa Your Face Sounds Familiar na si Michael Pangilinan. Hosted by X Factor Semi-Finalist at mahusay na stand-up comedian na si Osang.
Makasasama rin ang recording artist na Four Dimensions, upcoming dance group na Zero Ground, singer/actor Ron Mclean, all male group na Brat Boys, girl group na The Fabolous Girlfriends, at ang mahusay na recording artist na si Idolito Dela Cruz.
Aawitin nina Rose at Angel ang kani-kaniyang winning songs sa mga singing contest na kanilang sinalihan sa kanilang konsiyerto sa Zirkoh.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING