X Factor Israel winner Rose Fostanes, magbabalik sa bansa matapos mag-concert sa Europe, Australia, at USA

ADVERTISING

X Factor Israel winner Rose Fostanes, magbabalik sa bansa matapos mag-concert sa Europe, Australia, at USA

Rose Fostanes
Rose Fostanes

Muling darating sa bansa ang Pinay Grand Winner ng X Factor Israel na si Rose Fostanes ngayong buwan ng Hunyo after ng matagumpay nitong concerts sa Australia, Europe, at USA.
Ang pagbabalik nito sa Pilipinas ang magsisilbing bakasyon nito mula sa paglibot sa iba’t ibang panig ng mundo para mag-concert.
Pero habang nagbabakasyon ito sa Pilipinas, may mangilan-ngilang guestings daw ito sa iba’t ibang TV shows, kasama na rin ang mall shows, radio guestings, at hotel gigs.
Magiging continuation na rin daw ito ng naudlot na promotion ng kanyang album sa bansa, dahil noon ay kinailangan siyang bumalik ng Israel para sa mga naiwan niyang gigs doon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING