Wynwyn Marquez, sasabak na sa beauty pageant

ADVERTISING

Wynwyn Marquez, sasabak na sa beauty pageant

Wynwyn-MarquezNATUTUWA SI Winwyn Marquez na may go signal na ang mommy niyang si Alma Moreno hinggil sa plano niyang sumali sa beauty pageant.

“Si daddy (Joey Marquez) na lang,” aniya. “Si daddy na lang!”

Importante raw para kay Winwyn na may consent ang kanyang ama bago siya tuluyang sumali sa beauty pageant.

“Abangan na lang po natin. Hindi ko pa po kasi masabi kung next year na ba o ano.”

ADVERTISING

But definitely, she’s preparing na para rito?

“Uhm… hindi ko masagot! Hahaha! Wala pa. Hindi ko pa masabi kung next year. Pero nag-usap na kami ni Jonas (Gaffud ng Mercator) na sana mag-start na kaming mag-training.”

Kumbinsido ang mom niya na may potential nga raw siyang maging beauty queen. Afterall, may pagmamanahan naman daw si Winwyn.

Dalawang tiyahin niya ang beauty queen. Ang mga kapatid ng daddy niya na si Via Hoffman, at saka ang Miss International ‘79 titlist na si Melanie Marquez.

“Pinag-uusapan pa po ang tungkol sa pagsali ko sa beauty contest. Ayoko pa pong magsalita kasi baka ma-preempt. Nagkausap na nga kami ni Tita Melanie no’ng nagkasabay kaming mag-guest sa Eat Bulaga. Tinanong niya ako… uy, sasali ka pala! Tapos sinabi niya, mag-train daw ako sa kanya. Tawagan ko raw siya… ganyan. Pero as of now, i-enjoy ko muna kung ano ang meron ako ngayon. So, let’s just see kung kailan po talaga.”

Sa patuloy na pag-ere ng fantasy series ng GMA na Kambal Sirena, marami ang nakapapansin sa markadong performance ni Winwyn bilang kontrabida sa relasyon ng mga character nina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica.

Meron na ba siyang nai-encounter na haters dahil nga sa salbaheng character niyang iyon?

“Opo. Kasi may mga bata nang nagsabi sa akin… bakit ko raw laging inaaway si Perlas (isa sa kambal na character nga ni Louise). Kung totoo raw ba na masama ang ugali ko. Nagugulat ako. At natatawa na lang ang mommy ko… gano’n.”

Okey lang na ma-typecast siya sa mga maldita o salbaheng roles?

“Okey lang naman po. Kung ano ang ibigay.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING