Wynwyn Marquez, pahinga muna sa beauty pageant

ADVERTISING

Wynwyn Marquez, pahinga muna sa beauty pageant

Wynwyn-MarquezHINDI ITINANGGI ni Wynwyn Marquez na ikinalungkot niya ang pagkatalo sa Bb. Pilipinas.  Pero kaaagad naman ay nakapag-move on naman daw siya.

ADVERTISING

“Okey naman po ako.  Back to normal na ang lahat,” aniya. “Balik lang sa mga dating ginagawa ko before. So, okey naman po.”

Hindi man daw siya pinalad na manalo, masaya raw siya sa naging experience niya sa Bb. Pilipinas.

“Sobrang different experience. Sobrang saya. Iba talaga. Ang dami kong natutunan. Tapos ‘yong mga friends na na-gain ko. At saka ‘yong confidence para sa sarili ko. Kasi kahit nasa showbiz na ako, I still doubted myself. Na… parang nahihiya pa ako. Nagda-doubt ako at iniisip ko kung ano ba ang kaya kong gawin. At least dito sa Bb. Pilipinas, ‘yong dream ko nagawa ko na. And at least na-prove ko sa sarili ko na kaya kong ipakita na disiplinado ako physically at mentally.”

ADVERTISING

Balitang ini-encourage siya ni Maegan Young na sumali naman sa Miss World-Philippines. Totoo ba ito?

“I don’t think encourage naman. Parang tinanong lang siya… what if sumali ako ng Miss World? And she said… why not? Basta raw ‘yong loob ko, buo na sumali do’n.”

Is she entertaining the idea? Sasali ba siya sa Miss World-Philippines?

“Siyempre para sabihin ‘yon na galing pa mismo kay Miss World (Maegan), siyempre kinilig ako. Na parang… o my God, may blessing na parang puwede nga akong sumali, parang gano’n. Pero wala sa plano ko. Pahinga po muna,” muling nangiting sabi niya. “Basta wala po muna sa isip ko ‘yon. After ng Bb. Pilipinas, ang inisip ko ay kung ano ‘yong gagawin kong next.”

At ano nga ba ‘yong sunod niyang gagawin?

“Babalik ako sa school. Actually ‘yong Masteral’s degree ko, itutuloy ko. And then ‘yong mga ginagawa ko with GMA. Inaayos namin ‘yon. Before kasi ako sumali ng Bb. Pilipinas, I was doing my Masteral’s sa La Salle–Dasma (Dasmarinas, Cavite). ‘Yong Educational Management And Certification Program. So, iniisip ko kung babalik ako do’n or Babalik ako ng San Beda College. Kasi they talked to me na mag-u-open na raw sila ng Marketing Management na Masteral’s. So iniisip ko ang tungkol do’n. Once a week lang naman ang klase so puwedeng isabay sa showbiz career ko.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING