Wynwyn Marquez, ipinatawag ng GMA matapos sumali sa Bb. Pilipinas

Wynwyn Marquez, ipinatawag ng GMA matapos sumali sa Bb. Pilipinas

Wynwyn-MarquezHOW TRUE na ipinatawag na ng GMA 7 ang talunan na si Wynwyn Marquez sa katatapos na Bb. Pilipinas? Balita namin, may mga offers daw ang Kapuso Network na mas magagandang roles sa kanya, kung ikukumpara noong hindi pa siya sumasali.

Nagkamit naman ng tatlong special awards si Wynwyn, kaya naman hindi siya umuwing luhaan.

Sinuportahan siya nang todo ng kanyang pamilya. At sa edad niyang 22 years old, wala pa pala siyang boyfriend. Super guwardiyado raw ito ng mga kapatid na lalaki. Kaya loveless pa rin daw ito.

 

SA SUNDAY po ay magiging hurado kami sa isang pageant na gagawin sa aming bayan sa Guimba, Nueva Ecija na Mr. Teen Guimba 2015 Year 2. Isa po kami sa organizer ng said pageant at nakikita namin na may mga potential candidates na puwedeng maging artista, dancer, o singer.

Kung nauna lang siguro itong ganapin ay malamang na isali ko ang mananalo sa Starstruck or PBB teens.

Kaya sana maging matagumpay ang pageant na aming tinutulungan.

Maraming salamat sa mga parents, handlers, at ang production staff. Mayor Boyito at Bopet Dizon, alam n’yo na. TY po talaga!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!