Wyn Wyn Marquez, dasal na makalaya na si Mark Anthony Fernandez

ADVERTISING

Wyn Wyn Marquez, dasal na makalaya na si Mark Anthony Fernandez

Wyn Wyn Marquez, dasal na makalaya na si Mark Anthony FernandezMASAYA SI WYNWYN Marquez dahil mas maayos na ang estado sa loob ng kulungan ng kapatid niyang si Mark Anthony Fernandez kumpara noong mga nakaraang buwan.

Matatatandaang naharang ang aktor sa isang check-point sa Pampanga at nahulihan ng sandamakmak na marijuana sa minamanehong kotse.

 

“He looks really good.” paunang kwento ng dalaga nang tanungin tungkol sa kalagayan ng nakatatandang kapatid.

ADVERTISING

 

Si Wyn Wyn ay kapatid ni Mark sa ina na si Alma Moreno habang ang aktor naman ay bunga ng pagmamahalan nina Ness (Alma) at Rudy Fernandez noon.

 

Until now, sa Pampanga pa rin pala nakatira si Alma, kung saan kumuha ito ng isang condominium unit na malapit sa provincial jail para mas malapit ito sa anak.

 

 Gusto kasi ni Mark na palaging bagong luto ang pagkain niya kaya ang ina, pinaghahanda siya ng paborito niyang guisadong corned beef at ang imported luncheon meat na siyang pinapaluto naman ni Ness sa kasambahay at pinapahatid sa kulungan araw-araw.

 

Ayon naman kay Wyn Wyn,  na super sexy at super balingkinitan nang makausap namin  recently who plays the role of “Ribay” sa pantaseryeng Mulawin vs Ravena, ay umiwas ito na pag-usapan ang legal case ng kapatid, na sa kasalukuyan ay nasa husgado na sa kabila ng pangungulit sa kanya ng media.


Masayang ibinalita na nakapag-adjust na ang Kuya Mark niya sa kulungan.

“Umaasa pa rin kami na sana makalaya na siya. Ang mahalaga, kahit nasa loob siya ay hindi siya nawalan ng pag-asa.

“Ang importante, maipa-feel namin sa kanya na kahit nasa loob siya, we’re still here for him,” kuwento ni Wyn Wyn.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING