WORTH THE WAIT: Paulo Avelino, may butt exposure sa ‘The Promise of Forever’

ADVERTISING

WORTH THE WAIT: Paulo Avelino, may butt exposure sa 'The Promise of Forever'

WORTH THE WAIT: Paulo Avelino, may butt exposure sa 'The Promise of Forever'
Paulo Avelino

SA TOTOO LANG,  nanibago ako kay Paulo Avelino. Medyo masalita na siya. ‘Yung makuwento na kapag tinatanong mo siya may nakahanda siyang sagot kumpara noon na nangingiti lang siya.

 
 Mas relaxed na si Pau ngayon kapag humaharap sa media.
 
Sa dalawang pagkakataon na interview ko siya in a span of a week (isang blogcon at sa launch ng serye niya last night) para sa kanyang bagong drama afternoon series sa Dreamscape Entertainment na “The Promise of Forever” for Kapamilya Gold ng ABS-CBN ay makuwento na ang aktor.
 
At last night’s grand media launch ng serye, naikuwento ni Ms. Ethel Espiritu of Dreamscape Entertainment na may isang delicate scene na ginawa ang aktor kung saan nakita ang butt (puwet) niya habang nasa-shower sa eksena, kung saan sa harapan yata niya ay ang aktres na si Ritz Azul ang kanyang kaeksena.
 
 Parang aksidente na nagpasilip yong behind ni Pau na noong una ay nangingiting idine-deny ng aktor.
 
“Meron ba? Wala…” sabi niya sa press pero sabi ni Ms. Ethel last night: “Meron. Kaya hindi ko i-eedit,” say nito sa press launch na napangiti lang si Pau.
 
Sa launch ay naikuwento ni Paulo na sa mga locations nila ng taping tulad ng Czech Republic, Belgium, the Netherlands and Poland) ay walang chance na makapamasyal sila ng husto.
 
WORTH THE WAIT: Paulo Avelino, may butt exposure sa 'The Promise of Forever'
The Promise of Forever lead stars Paulo Avelino, Ritz Azul and Ejay Falcon

“Si Ejay, lakwatsa ang ginawa. Nasa malls habang andun kami. Short lang ang mga eksena na kununan sa kanya. Kami ni Ritz ang palaging may taping. After taping niya, maglilibot na yan,” kuwento ni Pau sa media.

 
“Pero mag dala naman akong food sa inyo,”sagot ni Ejay kay Paulo.
 
Ejay plays Philip na lover ni Sofia (played by Ritz).
 
Si Paulo naman plays Nicolas na isang immortal because of some scientific experiment na ginawa niya sa kanyang sarili.
 
Kasama sa rin sa serye sina Cherry Pie Picache, Amy Austria,  Susan Africa at Ynna Asistio sa direksyon nina Hannah Espia at Daniel Villaflor.
 
Sa darating na Lunes, September 11 na ang TPOF. Sa mga beks na excited masipat ang “butt” ng aktor: “Sa pilot week ‘yung scene na dapat nýo abangan,”say ni Ms. Ethel.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING