DINAAN SA WORKOUT: Mocha Uson, itinanggi na nabuntis siya ni Robin Padilla

BUMUWELTA ang controversial female personality na si Mocha Uson sa kumakalat na tsikang nabuntis diumano siya ni Robin Padilla kaya hindi ito masyadong nagpaparamdam sa social media.

This week ay naging usap-usapan sa showbiz na may isang controversial female personality diumano na nabuntis ng sikat na aktor na may misis na artista rin. Base sa clues na ibingay sa blind item, marami ang nagsasabing sina Mocha Uson at Robin Padilla daw ang diumano’y ‘expecting’ for a blessing na curious ang mga tao kung paano ito tatanggapin ng asawang si Mariel Rodriguez kung sakaling totoo ang kumakalat na isyu.

DINAAN SA WORKOUT: Mocha Uson, itinanggi na nabuntis siya ni Robin Padilla
Mocha Uson working out

Ngayong January 22 ay sinagot ni Mocha ang mga paratang sa kanya sa pamamagitan ng pagpost ng isang workout video na may kalakip na caption.

BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,”

Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya sinisiraan nila kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila.”

Dating lider ng controversial girl group na Mocha Girls si Uson na ngayo’y nagtatrabaho bilang deputy executive director sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Tulad ni Binoe, kilala rin ito bilang taga-suporta ni President Rodrigo Duterte.

Kagabi, January 21, ay nagpost na rin si Mariel Rodriguez ng kanyang statement tungkol sa kumakalat na isyu at nakiusap sa mga tao na itigil na ang pagpapakalat ng ganitong isyu dahil kamamatay lang ng panganay na kapatid ni Robin na si Royette Padilla.

“ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life,”

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes, now is not the time. Please,” pagtatapos ni Mariel.