Wonder Gays, minaliit lang ni Vice Ganda?!

Wonder Gays, minaliit lang ni Vice Ganda?!

Wonder Gays, minaliit lang ni Vice Ganda?!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka at bonggang-bonggang eksena at talaga namang ‘di mo masasabi kung marami ba talagang insecure sa mundo o talaga namang ‘yun lang ang mapi-feel ng bawat isa? Pero bago ang lahat, thanks God it’s Friday!

Dahil bonggang-bongga na ang eksena ng talent ni Lito De Guzman, ang Wonder Gays at talaga namang makikita mong sumusikat na sila, dahil sunud-sunod ang tawag sa kanila at marami na rin ang mga fans na humahanga at nagtatanggol sa kanila.

For sure, nagulat ang Wonder Gays sa naging reaksyon ni Vice Ganda sa kanila, dahil may nakapagtanong yata kay Vice na kung ano naman ang masasabi niya ngayon sa katulad din niyang bakla na nais sumikat at magpasaya ng kapwa niya?

Mukhang nag-tweet itong si Vice Ganda, at mukhang nega ang kanyang sinabi. Nagulat ang mga fans ni Vice at nagulat din ang fans ng Wonder Gays, dahil siyempre marami ang ibig sabihin ng ginawa ni Vice.

P’wedeng sa tingin mo ay makakatulong ito sa career ng Wonder Gays o makakasira sa career ni Vice. Siyempre marami ang mga nag-comment na mga fans na bakit naman ginawa ni Vice iyon, na dapat mas matagal na siya sa ganyang sirkulasyon ng buhay, hindi niya dapat minamaliit ang mga baguhan na dapat binibigyan niya ng mga lakas ng loob ang mga ito at tinutulungan.

Pero maganda naman ang mga naging reaksyon ng Wonder Gays, dahil siyempre raw, kahit papa’no napansin sila ni Vice Ganda, dahil super idol daw nila ito. Ang masasabi lang ng Wonder Gays at hinihiling na makasama nila si Vice Ganda sa darating nilang concert.

Ang tanong, papansinin kaya sila ni Vice o dededmahin lang niya ito… ano kaya sa tingin n’yo mga kaparazzi?

 

AT SIYEMPRE, KUNG naaala n’yo ay may naisulat ako noong nakaraang linggo na talaga namang kahit may edad na siya ay nasa puso pa rin niya at hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang sumikat. Napakaganda talaga ng talent niya, ito ay si Eduardo Tiñoso, na sumikat sa UK na Pinoy at nagpapasalamat  siya sa mga kababayan natin na sumuporta sa kanyang album.

Ito naman ang nais niyang iparating, na kung gusto n’yong marinig ang album niya, na talaga namang nakakapanglambot ng puso ‘pag naririnig n’yo ito at napapakinggan na rin ito sa aking programa. I-click n’yo lang ito at mag-register kung nais niyong bumili ng kanyang cd sa www.eduardotinoso.co.uk. Register your details to www.paypay.com at napakaganda talaga dahil ang mensahe nito at ang title ay AWIT SA MAGULANG.

At siyempre inuulit-ulit niya para sa kapwa niya Pilipino ay huwag po kayong mawawalan ng pag-asa kung nais n’yong  sumikat at ipakita n’yo lang ang mga talent niyo. Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang i-pagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding