Wonder Gays, ‘di nagpapaapekto sa isyung ‘di sila type ni Vice Ganda

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes…now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka g yours truly! Thanks God, it’s Friday!

Heto na ang chikka today. Hindi pala totoong ililipat ang oras ng It’s Showtime at ipapalit ang Palibhasa Tanghali. Sitcom pala ang balak nila parang katulad lang din daw ng Palibhasa Lalaki.

Naku, ‘te… for sure! Sana palitan na lang nila si Vice Ganda na hanggang nga-yon ay parang hindi pa rin niya matanggap na may papalit na sa kanya, ang Wonder Gays. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin matuloy-tuloy ang guesting ng mga beki sa noontime show na ‘yun.

Ang nakakatuwa sa Wonder Gays, hindi sila nagpapaapekto sa mga chikka at tuloy-tuloy pa rin ang career nila at sunud-sunod pa rin ang mga raket. At kahit hindi mag-guest sa Dos, nand’yan naman ang Kapatid Network na sinusuportahan sila.

Siyempre, kung gusto n’yo rin silang mapanood, nand’yan naman ang Fardz Restaurant sa Cavite na roon sila lagi matatagpuan. Kung gusto n’yo silang makitang mag-perform, heto pa… dahil malapit na rin ang birthday ng manager nila, sa may 10, kung saan may gagawin silang concert ulit, at handog nila ‘yun sa b-day ng kanilang manager na si Lito de Guzman.

Ang nakakatuwa naman sa manager nila, lahat ng kikitain nila ay itutulong nila sa mahihirap, it means for charity. Nakakatuwa talaga ‘yung mga ganyan, hindi nakakalimot at laging nasa isip, share the blessings. Saludo ako sa inyo, Wonder Gays! Keep up the good work, huwag kayong magpaapekto kung hindi kayo matanggap ng kapwa beki n’yo.

Hirap talaga sa mga Pilipino, dapat suportahan na sila, ‘di ba? Para mas bongga!

Anyway, gaganapin ang concert nila this coming May 10 sa Zirkoh Tomas Morato. Siyempre, marami silang makakasama riyan na celebrity. Pak! With special guests Valerie Concepcion, Glaiza de Castro , Denise Laurel, Stef Prescott , Troy Montero , Patrick Garcia, Rocco Nacino, Kris Lawrence, Baywalk Bodies, Blanktape, Raia Quiroz, Kiko Pacquiao, Ronald Celebre , Garth Garcia, at Paolo Rivero. Siyempre, for sure, darating din ang mga malalapit sa puso ng kanilang manager… kaloka!

Advance happy b-day, my friend Lito de Guzman!

PAK! MALOLOKA ka talaga sa Earth! Kumustahin naman natin ito, dahil may nag-chikka sa akin na isang reliable source na talagang may balak tumakbo bilang mayor ng Manila si ex-President Erap Estrada, at ang magiging vice mayor ulit, si Isko Moreno.

Kaya lang, napagmitingan daw nila na ipa-ubaya na lang ni Erap na si Isko ang tumakbo bilang mayor ng Manila, dahil anak-anakan nga ito ni Erap.

Kung true naman ito, paniguradong winner na ito, dahil for sure naman, marami na ring napatunayan ang vice mayor ng Manila. At mukhang hindi naman niya sisirain ang reputasyon ng Manila sa pagiging mayor niya. Siyempre, ang mase-say natin d’yan, goodluck!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAlden Richards, gustong tularan ang idolong si John Lloyd Cruz
Next articleKaye Abad, Dawit sa Hiwalayang Melai Cantiveros at Jason Francisco

No posts to display