With shows abruptly axed: TV workers have no job security!

ADVERTISING

With shows abruptly axed: TV workers have no job security!

With shows abruptly axed: TV workers have no job security!
TV PROGRAMS COME and go.

ADVERTISING

Maraming attendant factors why a particular show on TV is either extended or cancelled na maaaring taliwas nu’ng kino-conceptualize pa lang ito on the basis of its longevity on air. Two major considerations come into picture, literally that is, on the narrow (as opposed to wide?) screen.

In reality, networks are business entities. Walang iniwan ‘yon sa sari-sari store ni Aling Tacing whose strength or weakness is based on its daily “kita” to enable her to buy her next day’s merchandise.

Sa mundo ng telebisyon, an added factor alongside revenue generation seems like a twin package: ito ang kinapapraningan ng alinmang istasyon, ang ratings. Ratings are reflective, of course, of the level of viewership as captured by a particular program. Thus far, ratings MAY have a bearing on a program’s commercial load.

ADVERTISING

But TV is such a world whose crust down to its core is made up of inconsistent elements. Nakapagtataka na minsan, o kadalasan pa nga, top-rating shows are bereft of ads. In the same breadth, pinapasok nga ng commercials, pero hindi naman nagre-rate. As if such frustrating feeling is not enough, bigyan mo ng napakagandang show ang iyong mga manonood, flopchina pa rin ang ending sa ratings!

As the hackneyed expression goes, at the end of the day, and as the station signs off… negosyo pa rin ito, whether we, you and they like it or not. Ang programang maaaring nagre-rate, pero nagtatapon lang ng pera ang nagpo-prodyus na istasyon is like a sick patient waiting for his family to gather around his bedside before he breathes his last.

Sadly, this practice pervades in the TV industry. Kung kailan natin makikitang matutuldukan ang ganitong sistema is also largely dependent on the TV people themselves.

Suhestiyon nga ng premyadong director na si Joey Reyes on Think TV website, there has to be a law passed to address the plight of the TV workers who are victims of injustices.

Personally, all that the TV workers need is to unify themselves… for a cause at all cost.

 

TODAY MARKS THE 64th summer of Lolit Solis. At dahil aminado namang harbatera si ‘Nay Lolit (who does it with flair and without fail, in fairness) ay nananawagan siya sa mga taong gusto siyang pasayahin sa araw na ito.

“Naku, 64 na ‘ko, ‘no! Kaya kung cash ang ireregalo n’yo sa akin, puwedeng P64,000, P6,400 o P640… huwag lang 64 pesos, ‘no!” request ng TV host-manager. But knowing her, sa sobrang kababawan ni ‘Nay Lolit who’s probably the easiest to please, talu-talo na ang pagkain as she indulges in lots of it mereseng ipinagbabawal ng kanyang doktor ang sobrang katakawan due to her diabetic condition.

FYI, hindi pihikan si ‘Nay Lolit when it comes to edibles, her hunger pangs have never been inactive ever since food for human consumption was discovered… probably 64 centuries ago.

 

BUKAS, SABADO, GANAP na alas otso y medya ng umaga ay storyteller ang drama ni Alex Gonzaga sa programang Batibot ng TV5. The station’s Primetime Princess is Batibot’s (Season 2) first celebrity guest.

Alex joins Ate Maya, Kuya Fidel and the muppets Kapitan Basa, Manang Bola, Ning Ning, Ging Ging and Koko Kwik-Kwak in the episode na tumatalakay sa pagbabago. As storyteller, ibabahagi ni Alex ang mga kuwento tungkol kay Sepang Sapatos at sasali sa Alin Ang Naiiba? segment.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING