WISH NG FANS: Kiko Estrada at Devon Seron, pagsamahin sa isang teleserye!

ADVERTISING
WISH NG FANS: Kiko Estrada at Devon Seron, pagsamahin sa isang teleserye!
Devon Seron and Kiko Estrada

DAHIL nakitaan ng chemistry sa pelikulang ‘Walwal’ na ipinalabas noong nakaraang buwan, lalong dumami ang naka-appreciate sa tambalan nina Kiko Estrada at Devon Seron o kilala rin bilang ‘DevKi‘.

Actually, nag-umpisa ang tambalan nila noong Kapamilya contract artist pa silang dalawa. They had a show together at hindi napush ng network dahil lumipat na sa GMA-7 ang aktor.

ADVERTISING

In the past, Kiko Estrada was paired with Kim Rodriguez and Barbie Forteza, na nakitaan din naman ng chemistry. Sadly, the real life romances didn’t last kaya pati ang onscreen partnership ay hindi na rin kinarir ng Kapuso network.

Now that Devon Seron is part of GMA-7, wala pa rin kaming nababalita na solid project niya. Sa film ay siya ang babaeng nabuntis ng karakter ni Kiko sa Walwal at sa kanila natoka ang complicated storyline na ito. Dahil parehong marunong naman umarte, nagwiwish ang mga old and new fans ng DevKi na sana’y huwag sayangin ng GMA-7 ang kanilang fanbase at bigyan na sila ng matinong project.

Nagtapos na ang short-lived TV show ni Kiko with Julie Anne San Jose at Gil Cuerva na “My Guitar Princess” at happy naman ang kampo ni Devon dahil pasok ang kanyang musical film na “Bakwit Boys” sa yearly Pista ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISING
ADVERTISING