Winwyn Marquez, sinagot ang patutsada ng sikat na fashion designer

Wynwyn-MarquezHINDI PINALAMPAS ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Winwyn Marquez ang naging comment sa kanya ni Renee Salud. Sa isang interview kasi sa sikat na fashion designer, nasabi nito na hindi raw beauty queen material si Winwyn, ‘di tulad ng Auntie nito na si Ms. Melanie Marquez.

Si Renee kasi ang naka-discover kay Melanie at siya rin ang nag-develop at nag-train sa tita ni Winwyn para mapasali sa Bb. Pilipinas beauty pageant and eventually tinanghal na 1979 Miss International.

Nang sumali nga si Winwyn sa Bb. Pilipinas 2015, hindi nga ito nanalo nang kahit anumang titulo. Comment nga ni Renee na hindi nito nakitaan ng anumang potensyal na magiging beauty queen ang anak nina Alma at Joey. ‘Di raw tulad ni Melanie na unang sulyap pa lang nito sa actress, alam niyang winner na ito.

“Sincerely, hindi ko nakilala si Winwyn, not even in person. Kapag itinabi mo na siya sa lahat, wala eh. Maliit siya. Mag-artista na lang siya, magsayaw siya dahil magaling siyang dancer. Nakita ko ang kanyang talent, ‘yung looks, medyo matapang. Medyo pangahan siya,” say pa ni Renee Salud.

Nang makarating nga kay Winwyn ang naging pahayag ng sikat na fashion designer, sinagot niya ito sa kanyang Twitter account.

Ang tweet nga ni Winwyn: “It’s fine if some people think I’m not beauty queen material. I’m happy na naipakita ko kung ano ang kaya ko. At least I tried dahil gusto ko.”

Kahit na raw hindi siya pinalad na makakuha ng beauty title, proud siya sa kanyang ginawa at gagawin daw niya uli kung kinakailangan.

Sa isang banda ay panalo pa rin si Winwyn. Natalo man siya sa beauty contest ay panalo naman siya sa kanyang showbiz career dahil kaliwa’t kanan ang serye niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleJennylyn Mercado, diretsong itinanggi si Dennis Trillo
Next articleJames Reid at Nadine Lustre, mapangahas ang unang teleserye

No posts to display