Winwyn Marquez, palaban sa Binibining Pilipinas

Winwyn Marquez, palaban sa Binibining Pilipinas

Wynwyn-MarquezISA SA pangarap ni Winwyn Marquez ay maging beauty queen tulad ng kanyang auntie, ang 1979 Miss International na si Melanie Marquez.

Two years ago, kapag kinakausap ng press si Winwyn ay very vocal ito na gusto niyang sumali sa beauty contest, pero pinigilan siya ng kanyang manager para mapaghandaan ang pagsabak sa contest.

Ngayong taon, wala nang makapipigil sa kanya dahil official candidate na siya sa 2015 Binibining Pilipinas na magaganap sa Araneta Coliseum on March 15. Gamit ang tunay na pangalan na Teresita Marquez sa application na pinirmahan ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Tamang-tama namang ngayon siya sumali sa contest dahil wala siyang ginagawang teleserye sa GMA 7, kaya mabibigyan niya ng tamang oras at panahon ang coronation night sa Marsh 15, 2015.

Kung hindi papalarin ay may second choice pa si Winwyn, ang maging pre-school teacher.

Samantalang all-out support naman ang kanyang magulang na sina Joey at Alma sa naging desisyon ng anak.

Biro nga raw ni Joey sa anak ay sure winner na ito dahil pangalan pa lang ay Winwyn na.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo