Winwyn Marquez nanganak na!

WINWYN MARQUEZ is now a proud mom of a baby girl!

Ito ang masayang ibinalita ng beauty queen/actress kagabi, May 1 sa kanyang social media accounts.

Winwyn Marquez nanganak na!
Winwyn Marquez with baby girl Luna Teresita Rayn

“Our little princess, Luna Teresita Rayn,” simpleng caption ni Winwyn kalakip ang larawan ng kanyang newborn baby girl na mahimbing na natutulog.

Agad na binati si Winwyn ng kanyang mga tagahanga at malalapit na kaibigan sa showbiz and pageant world tulad nina Enzo Pineda, MJ Lastimosa, Kyla, Katarina Rodriguez, Alyssa Muhlach at marami pang iba.

Unang kinumpirma ni Winwyn ang kanyang pagbubuntis sa press conference ng pinagbidahang MMFF 2021 thriller movie na ‘Nelia’. Siya ay nasa kanyang third trimester noong panahon na iyon.

Simula noon ay mas naging open na si Winwyn sa kanyang pregnancy journey na ibinabagi niya sa kanyang vlog channel.

“Hindi ko alam kung napansin niyo but I took a break for some time. Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin doon, of course, ‘yung health reasons. I really want to share din sa inyo kung anong nangyari sa akin so I made this video para i-explain what happened to me,”” sambit ni Winwyn.

Huling napanood si Winwyn sa ‘Owe My Love’ ng GMA kasama sina Lovi Poe at Benjamin Alves. Huling movie project niya ang MMFF 2021 entry an ‘Nelia’.

Congratulations to Winwyn and her mystery partner!