Winwyn Marquez, na-starstruck kay Vhong Navarro

ADVERTISING

Winwyn Marquez, na-starstruck kay Vhong Navarro

Winwyn Marquez, na-starstruck kay Vhong Navarro
Winwyn Marquez

UNANG pelikula ni Winwyn Marquez ang pelikulang Unli Life kung saan siya ang leading lady ni Vhong Navarro. Mayroon three movies contract si Winwyn Marquez sa Regal Films.

Sa mga hindi nakakaalam, first major role ni Winwyn ang role niya sa movie.

Sa katunayan, hindi niya ini-expect na magiging leading lady siya ni Vhong na na-starstruck siya nang magkasama sila sa unang araw ng shooting nila.

Hindi itinatanggi ni Winwyn Marquez ang excitement at naramdaman ng gawin niya ang Unli Life together with Ejay Falcon, Jon Lucas with her dad Joey Marquez.

ADVERTISING

Sabi ng beauty queen: “Ngayon lang ako naka-work na super-super literal na big star. Kasi bata pa lang ako pinapanood ko na si Vhong, Streetboys (isang super sikat na dance group in the 90’s) pa lang siya.

Dagdag  niya: “Tapos nung makilala ko siya, ang bait pala niya, he treats equally, walang ka-ere-ere, hindi siya mayabang.

Winwyn Marquez, na-starstruck kay Vhong Navarro
UNLI LIFE cast and crew

“Kapag kinakabahan na ako sa set, tinuturuan niya ako kung anong dapat gawin.

“Mabait siya. It’s nice working with him. Alagang-alaga ka niya,” kuwento ng dalaga

Ang Unli Life ay isa sa mga walong official entries para sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino on August 15-21 na dinirek Miko Livelo at produced ng Regal Films.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING