Winwyn Marquez is pregnant!

FOR A FEW weeks ay usap-usapan na rin ng mga Marites na diumano’y may magandang aktres na nagdala ng karangalan sa bansa ang nagdadalang-tao courtesy of her non-showbiz boyfriend. May mga pangalan na lumilitaw, pero hangga’t walang kumpirmasyon ay hindi pa rin talaga natin masasabi kung sino talaga lalo na’t mas madaling magtago ng mga estado ang mga artista ngayon dahil madalas ay naka-work from home na lang sila.

Winwyn Marquez is pregnant!
Winwyn Marquez

Dahil sa pagiging ‘dark horse’ ng upcoming thriller-drama film na ‘Nelia‘ na pinagbibidahan ni Winwyn Marquez ay may mga taong nagsuspetsa na baka siya nga ang nasa blind item. Matatandaan na si Winwyn ang first-ever Pinay Reina Hispanoamericana noong 2017 at nagdala talaga ito ng pride and joy sa ating bansa. May secret non-showbiz boyfriend din ito at simula nang matapos ang serye nila ni Lovi Poe na ‘Owe My Love’ ay tila hindi na naging visible si Winwyn sa GMA Network. Anyare?!

Nope, hindi siya lilipat ng istasyon like her former co-star. The truth was finally revealed last December 18 – Winwyn Marquez is pregnant!

Ito mismo ang ‘perfect timing’ para ibunyag ni Winwyn na siya ay nagdadalang-tao. As of writing ay she is six months pregnant at very blooming ang dating beauty queen.

“I am on my way to my second trimester,” masayang ibinalita nito sa press conference ng pelikulang Nelia.

“Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna. Hindi ko rin naman inexpect na lalabas [itong movie] sa MMFF,” sambit pa niya.

“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online. Gusto ko rin talaga makapunta sa presscon and be with everyone kahit medyo nag-a-adjust pa ’yung body ko with everything.”

Kahit na inamin na niya sa publiko ang kayang estado, tikom pa rin ang bibig nito sa identity ng kanyang boyfriend, na ating rerespetuhin.

Congratulations sa’yo, Winwyn and partner! Nakahanda na rin kami na mapanood ang iyong first-ever title role na showing na this December 25!

Previous articleKylie Verzosa: From Miss International to Sex Goddess ang career path
Next articleVLOG WATCH: Andrea Brillantes hindi napigilan ang kilig kay Alden Richards!