Winwyn Marquez is expecting a baby girl!

PAGKATAPOS kumpirmahin ng actress/beauty queen na si Winwyn Marquez ang kanyang pagbubuntis sa presscon ng pinagbibidahang 2021 MMFF entry na ‘Nelia’, it’s time now for a gender reveal!

Isang baby girl ang magiging anak ni Winwyn with her non-showbiz boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa inilalantad sa publiko ang identity. Ito ang masayang ibinalita ng Kapuso star sa pamamagitan ng kanyang personal vlog channel.

Winwyn Marquez is expecting a baby girl!
Winwyn Marquez

Sa video ay makikitang hawak ni Winwyn at ng kanyang partner ang isang black balloon. Nang ito’y putukin, pink confettis ang lumabas which means that they’re expecting a bouncing baby girl!

Nagyakapan ang soon-to-be parents na ikinatuwa rin ng mga nakapaligid sa kanila.

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Winwyn ang kanyang labis na pasasalamat.

“Page 365 of 365. 2021 gave me the best things despite our situation now.. aside from the blessings I recieved from work, God gave me a partner who gives me infinite love and support and a baby to complete our family. “We can’t wait to meet YOU my love! Happy New Year everyone!!”

Congratulations to Winwyn and her non-showbiz partner! We can’t wait to meet your little angel soon!

Previous articleVLOG WATCH: Tapatang PieDu vs. HowHows sa sweetness (who will win?!)
Next articleMigo Adecer at Katrina Mercado ikinasal na sa Hongkong