Winwyn Marquez, buo ang suporta sa pagpasok sa pulitika ni Valdolph Quizon

Winwyn Marquez, buo ang suporta sa pagpasok sa pulitika ni Valdolph Quizon

Winwyn-MarquezHUNDRED PERCENT daw ang support ni Winwyn Marquez sa half-brother niyang si Vandolph Quizon na tatakbong konsehal sa Parañaque City. Ang kanilang inang si Alma Moreno, last term na bilang councilor ng nasabing siyudad.

Wala pa raw nababanggit kay Winwyn si Alma hinggil sa next political plan nito. Pero kung siya raw ang masusunod, gusto niyang magpahinga muna ang dating aktres sa pagiging public servant.

“Sana magpahinga muna siya,” aniya. “At kung okey na ang health niya, I think she can do it na. Pero kung ako ang masusunod, I would want her to… siyempre monitor her health first.”

Si Alma ang kasalukuyang presidente ng Councilor’s League Of The Philippines. Kaya sobrang busy ito na madalas ay naglilibot sa kung saan-saang parte ng Pilipinas.

Masasabi ba ni Winwyn na naaagaw ng politics ang pagiging ina ni Alma sa kanilang magkakapatid?

“Oo naman. Kasi every week, she’s not here. “Pero it’s fine. Work is work. And I know my mom is a workaholic. But I just want her to, you know… check ‘yong health niya. Iyon talaga ang importante.”

Hindi lang si Alma ang nasa politika. Ang daddy niyang si Joey Marquez ay nagsilbi rin bilang mayor ng Parañaque dati. May possibility ba na maengganyo siyang maging politician din someday?

“We’ll never know. Actually ayoko kasing magsalita nang patapos, ‘di ba? But right now… no! Pero I love to help kids, ‘di  ba? And I think that’s my number one priority ngayon. Charity work and everything.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan