WINNER!!! Joshua Garcia, di makapaniwalang may acting award na!

ADVERTISING

WINNER!!! Joshua Garcia, di makapaniwalang may acting award na!

WINNER!!! Joshua Garcia, di makapaniwalang may acting award na!OVERWHELMED at hindi makapaniwala si Joshua Garcia, bida ng pelikulang Love You To The Stars And Back (with Julia Barretto) na may hawak siyang trophy nang makausap namin siya recently.

Si Joshua ang nanalong New Movie Actor of the Year dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Vince & Kath & James ng Star Cinema.

“Sobrang saya. Sobrang overwhelmed kasi first award ko ito. Sana hindi lang ito ang matanggap ko,” kwento sa amin ni Joshua.

Ayon pa sa binata, napakahalaga para sa kanya na nare-recognize ang kakayahan niya bilang aktor.

ADVERTISING

“Importante ’to sa akin kasi yung paghihirap ko, gusto ko rin kahit papaano na mapansin nila. And yung mga ganitong award dream ko rin po talaga ito.

“Bukod sa gusto kong maging inspirasyon ako at  gusto kong makapagpasaya, makapagpaiyak, makapagpakilig ng mga tao, eh, gusto ko rin ma-awardan. Lahat naman siguro ng artista, gustong makakuha ng award,” sambit pa niya.

Samantala, inamin ng binata na hindi niya ini-expect na mananalo siya sa Star Awards. Mas nag-expect daw siya noon sa Metro Manila Film Festival.

“Sa MMFF medyo nag-expect ako, hindi lang nanalo,” pag-amin niya.

“Pero okey lang, at least nominated pa rin ako. Yon naman ang importante don, yung kinilala pa rin nila yung nagawa ko,” dagdag niya.

Ang tatay ni Joshua at ang ka-love team na si Julia Barretto ang unang-una raw na nag-congratulate sa kanya nang malamang nanalo siya sa Star Awards.

Still showing ang Love You To The Stars And Back na umaani ng magagandang reviews. Mapapanood din si Joshua sa teleserye ng Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN na The Good Son ngayong September.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING