Winner ang attitude!!! McCoy de Leon, walang kaere-ere ayon kay Direk Jason Paul Laxamana

ADVERTISING

Winner ang attitude!!! McCoy de Leon, walang kaere-ere ayon kay Direk Jason Paul Laxamana

Winner ang attitude!!! McCoy de Leon, walang kaere-ere ayon kay Direk Jason Paul Laxamana
McCoy de Leon in Instalado

KUWENTO sa amin ni Direk Jason Paul Laxamana, naging napakagaan daw katrabaho ni McCoy de Leon kahit sikat na ito nung time na sinu-shoot nila ang pelikulang Instalado.

“For someone as popular as he is, wala siyang kaere-ere. Pag nasa set matutulog lang siya sa sulok. Kahit anong meryendang ipakain mo diyan kakainin niya.

“He is very pleasant to work with, very grounded, wala akong masabi,” kuwento sa amin ng director.

Pagdating naman daw sa pag-arte, naka-deliver daw si McCoy.

ADVERTISING

“Nung una ko siyang sinalang, expected ko na na meron siyang  TV habits, eh, like yung medyo malalaki yung movements. Pero the moment na sinabi ko kung paano dapat ang gawin, kuha niya agad.

“So imagine, how much more in the future kapag talagang super natutukan niya yung kanyang mga project, I guess he will be a really good actor.

“Tapos napaka-telegenic pa niya. Bagay na bagay siyang bida kasi very pleasant yung face niya sa kamera,” lahad pa niya.

Samantala, open naman ang director na muling makatrabaho si McCoy in the future sa mas seryoso pang pelikula.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING